Mga Bilang 17:7-8
Mga Bilang 17:7-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang mga ito'y inilagay ni Moises sa harapan ni Yahweh, sa loob ng Toldang Tipanan. Kinabukasan, nang pumasok sa Toldang Tipanan si Moises, nakita niyang may usbong ang tungkod ni Aaron. Bukod sa usbong, namulaklak pa ito at namunga ng hinog na almendra.
Mga Bilang 17:7-8 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Inilagay ni Moises ang lahat ng baston sa presensya ng PANGINOON doon sa Toldang Tipanan. Kinaumagahan, pumasok si Moises sa Tolda ng Kahon ng Kasunduan at nakita niya na ang baston ni Aaron, na kumakatawan sa lahi ni Levi ay hindi lang sumibol kundi nagkabuko pa, namulaklak, at namunga ng almendra.
Mga Bilang 17:7-8 Ang Biblia (TLAB)
At inilagay ni Moises ang mga tungkod sa harap ng Panginoon sa tabernakulo ng patotoo; At nangyari nang kinabukasan, na si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng patotoo; at, narito, na ang tungkod ni Aaron sa sangbahayan ni Levi ay namulaklak at nagkaroon ng mga hinog na almendras.
Mga Bilang 17:7-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang mga ito'y inilagay ni Moises sa harapan ni Yahweh, sa loob ng Toldang Tipanan. Kinabukasan, nang pumasok sa Toldang Tipanan si Moises, nakita niyang may usbong ang tungkod ni Aaron. Bukod sa usbong, namulaklak pa ito at namunga ng hinog na almendra.
Mga Bilang 17:7-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)