Mga Bilang 12:6-8
Mga Bilang 12:6-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
sinabi niya, “Pakinggan ninyo ang sasabihin ko. Kung ang sinuma'y nais kong piliing propeta, nagpapakita ako sa kanya sa pangitain at kinakausap ko siya sa panaginip. Ngunit kaiba ang ginawa ko kay Moises sapagkat ipinagkatiwala ko sa kanya ang aking buong sambahayang Israel. Kinakausap ko siya nang harap-harapan at sinasabi ko sa kanya ang lahat sa maliwanag na paraan, hindi sa pamamagitan ng talinhaga. At siya lamang ang nakakita sa aking anyo. Bakit hindi man lamang kayo natakot na magsalita laban sa kanya?”
Mga Bilang 12:6-8 Ang Salita ng Diyos (ASD)
sinabi ng PANGINOON sa kanila, “Pakinggan ninyo ito: Kapag may propeta sa inyo, ako, ang PANGINOON, ay nakikipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng pangitain at panaginip. Ngunit hindi ako ganoon makipag-usap sa aking lingkod na si Moises na mapagkakatiwalaang pinuno ng aking mga mamamayan. Kung nakikipag-usap ako sa kanya, magkaharap lang kami. Malinaw ang aming usapan at hindi paligoy-ligoy. Nakikita niya ang aking anyo. Kaya bakit hindi kayo natakot magsalita ng masama laban sa aking lingkod na si Moises?”
Mga Bilang 12:6-8 Ang Biblia (TLAB)
At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya sa pangitain, na kakausapin ko siya sa panaginip. Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon; siya'y tapat sa aking buong buhay: Sa kaniya'y makikipag-usap ako ng bibig, sa bibig, ng maliwanag, at hindi sa malabong salitaan; at ang anyo ng Panginoon ay kaniyang makikita: bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?
Mga Bilang 12:6-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
sinabi niya, “Pakinggan ninyo ang sasabihin ko. Kung ang sinuma'y nais kong piliing propeta, nagpapakita ako sa kanya sa pangitain at kinakausap ko siya sa panaginip. Ngunit kaiba ang ginawa ko kay Moises sapagkat ipinagkatiwala ko sa kanya ang aking buong sambahayang Israel. Kinakausap ko siya nang harap-harapan at sinasabi ko sa kanya ang lahat sa maliwanag na paraan, hindi sa pamamagitan ng talinhaga. At siya lamang ang nakakita sa aking anyo. Bakit hindi man lamang kayo natakot na magsalita laban sa kanya?”
Mga Bilang 12:6-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya sa pangitain, na kakausapin ko siya sa panaginip. Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon; siya'y tapat sa aking buong buhay: Sa kaniya'y makikipagusap ako ng bibig, sa bibig, ng maliwanag, at hindi sa malabong salitaan; at ang anyo ng Panginoon ay kaniyang makikita: bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?