Mga Bilang 12:1-3
Mga Bilang 12:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sina Miriam at Aaron ay nagsalita ng laban kay Moises dahil sa babaing Cusita na kanyang pinakasalan—sapagkat siya'y nag-asawa nga ng isang babaing taga-Cus. Ang sabi nila, “Sa pamamagitan lang ba ni Moises nagsasalita si Yahweh? Hindi ba't sa pamamagitan din natin?” Narinig ni Yahweh ang usapan nilang ito. Si Moises naman ay isang taong mapagpakumbabá higit kaninumang nabuhay sa ibabaw ng lupa.
Mga Bilang 12:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngayon, siniraan nila Miriam at Aaron si Moises dahil nakapag-asawa siya ng isang taga-Cush. Sinabi nila, “Sa pamamagitan lang ba ni Moises nakikipag-usap ang PANGINOON? Nakikipag-usap din siya sa amin.” Subalit narinig ito ng PANGINOON. (Mapagpakumbaba si Moises higit sa lahat ng mga tao sa mundo.)
Mga Bilang 12:1-3 Ang Biblia (TLAB)
At si Miriam at si Aaron ay nagsalitaan laban kay Moises tungkol sa pagkapagasawa niya sa isang babaing Cusita: sapagka't siya'y nag-asawa sa isang babaing Cusita. At kanilang sinabi, Ang Panginoon ba'y kay Moises lamang nakipagsalitaan? hindi ba nakipagsalitaan din naman sa atin? At narinig ng Panginoon. Ang lalake ngang si Moises ay totoong maamong loob, na higit kay sa lahat ng lalaking nasa ibabaw ng lupa.
Mga Bilang 12:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sina Miriam at Aaron ay nagsalita ng laban kay Moises dahil sa babaing Cusita na kanyang pinakasalan—sapagkat siya'y nag-asawa nga ng isang babaing taga-Cus. Ang sabi nila, “Sa pamamagitan lang ba ni Moises nagsasalita si Yahweh? Hindi ba't sa pamamagitan din natin?” Narinig ni Yahweh ang usapan nilang ito. Si Moises naman ay isang taong mapagpakumbabá higit kaninumang nabuhay sa ibabaw ng lupa.
Mga Bilang 12:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)