Mga Bilang 11:4-6
Mga Bilang 11:4-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang mga dayuhang sumama sa paglalakbay ng mga Israelita ay nanabik sa dati nilang pagkain at nagaya sa kanila ang mga Israelita. Kaya, nagreklamo na naman sila. Ang sabi nila, “Kailan pa ba tayo makakatikim ng karne? Mabuti pa sa Egipto! Doon, nahihingi lang ang isda. At naaalaala ba ninyo ang pipino, pakwan, sibuyas, bawang at gulay na kinakain natin noon? Nanghihina na tayo ngayon. Walang makain dito kundi ang mannang ito!”
Mga Bilang 11:4-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
May mga grupo ng dayuhan na sumáma sa mga Israelita na naghahanap ng mga pagkaing gusto nilang kainin, at sumali pati ang mga Israelita na nagreklamo ulit na nagsasabi, “Kung may karne sana tayong kakainin! Noong nasa Ehipto tayo, naaalala ko na nakakakain tayo ng isda nang walang bayad. Hindi baʼt nakakakain rin tayo ng mga pipino, melon, sibuyas at bawang? Ngunit dito wala tayong ganang kumain; wala tayong ibang makain kundi manna.”
Mga Bilang 11:4-6 Ang Biblia (TLAB)
At ang halohalong karamihan na nasa gitna nila ay nahulog sa kasakiman: at ang mga anak ni Israel naman ay muling umiyak at nagsabi, Sino ang magbibigay sa atin ng karneng makakain? Ating naaalaala ang isda, na ating kinakain sa Egipto na walang bayad; ang mga pipino, at ang mga milon, at ang mga puero, at ang mga sibuyas, at ang bawang: Nguni't ngayo'y ang ating kaluluwa ay natutuyo; walang kaanoanoman: sa ating harapan ay walang anoman kundi ang manang ito.
Mga Bilang 11:4-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang mga dayuhang sumama sa paglalakbay ng mga Israelita ay nanabik sa dati nilang pagkain at nagaya sa kanila ang mga Israelita. Kaya, nagreklamo na naman sila. Ang sabi nila, “Kailan pa ba tayo makakatikim ng karne? Mabuti pa sa Egipto! Doon, nahihingi lang ang isda. At naaalaala ba ninyo ang pipino, pakwan, sibuyas, bawang at gulay na kinakain natin noon? Nanghihina na tayo ngayon. Walang makain dito kundi ang mannang ito!”
Mga Bilang 11:4-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)