Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nehemias 10:28-33

Nehemias 10:28-33 Ang Salita ng Diyos (ASD)

“Ang iba pang mamamayan ng Israel, pati na ang mga pari, mga Levita, mga tagapagbantay ng Templo, mga mang-aawit, mga tagapaglingkod sa Templo, at ang lahat ng nakahiwalay sa mga dayuhang nakatira sa lupain namin upang sumunod sa Kautusan ng Diyos, maging ang mga asawa nila at ang mga batang nakakaunawa na ay nanumpa kasama ng aming mga pinuno, na aming tutuparin ang Kautusan na ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng lingkod niyang si Moises. Nanumpa rin kami na tatanggapin namin ang sumpa ng Diyos kung hindi namin matutupad ang pangakong susundin namin ang lahat ng utos at tuntunin ng PANGINOON na aming Diyos. “Nangako kami na hindi namin papayagang makapag-asawa ang mga anak namin ng mga dayuhang naninirahan sa aming lupain. “Nangako rin kami na hindi kami bibili kung ipagbibili ng mga dayuhan ang trigo nila o kahit anong ipinagbibili sa Araw ng Pamamahinga o sa ibang banal na araw. At tuwing ikapitong taon, hindi kami magtatanim sa aming lupain, at hindi na namin sisingilin ang mga may utang sa amin. “Nangako pa kami na tutuparin namin ang utos na magbibigay kami bawat taon ng apat na gramong pilak para sa gawain sa bahay ng aming Diyos. Nakalaan ito para sa tinapay na inihahandog sa presensya ng Diyos, sa mga handog na sinusunog at mga handog bilang pagpaparangal sa PANGINOON na inihahandog araw-araw, sa mga handog para sa Araw ng Pamamahinga, para sa Pista ng Bagong Buwan, at sa iba pang mga pista; maging sa iba pang mga banal na handog tulad ng handog para sa kasalanan na inihahandog upang matubos ang mga mamamayan ng Israel sa kanilang mga kasalanan. Ginagamit din ang pilak na ito sa iba pang mga pangangailangan sa Templo ng aming Diyos.

Nehemias 10:28-33 Ang Biblia (TLAB)

At ang nalabi sa bayan, ang mga saserdote, ang mga Levita, ang mga tagatanod-pinto, ang mga mangaawit, ang mga Nethineo, at lahat ng nagsihiwalay sa mga bayan ng mga lupain sa kautusan ng Dios, ang kanilang mga asawa, ang kanilang mga anak, na lalake at babae, bawa't may kaalaman at kaunawaan; Sila'y nagsilakip sa kanilang mga kapatid, na kanilang mga mahal na tao, at nagsisumpa, at nagsipanumpa, na magsilakad sa kautusan ng Dios, na nabigay sa pamamagitan ni Moises na lingkod ng Dios, at upang magsiganap at magsigawa ng lahat na utos ng Panginoon na aming Panginoon, at ng kaniyang mga kahatulan, at ng kaniyang mga palatuntunan; At hindi namin ibibigay ang aming mga anak na babae sa mga bayan ng lupain, o papagaasawahin man ang kanilang mga anak na babae para sa aming mga anak na lalake. At kung ang mga bayan ng lupain ay mangagdala ng mga kalakal o ng anomang pagkain sa araw ng sabbath upang ipagbili, na kami ay hindi magsisibili sa kanila sa sabbath, o sa pangiling araw: aming ipagpapahinga ang ikapitong taon, at ang pagsingil ng bawa't utang. Kami naman ay nangagpasiya rin sa sarili namin, na makiambag sa taon-taon ng ikatlong bahagi ng isang siklo ukol sa paglilingkod sa bahay ng aming Dios: Ukol sa tinapay na handog, at sa palaging handog na harina, at sa palaging handog na susunugin, sa mga sabbath, sa mga bagong buwan sa mga takdang kapistahan, at sa mga banal na bagay at sa mga handog dahil sa kasalanan upang itubos sa Israel, at sa lahat na gawain sa bahay ng aming Dios

Nehemias 10:28-33 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)