Nahum 1:3
Nahum 1:3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Si Yahweh ay hindi madaling magalit subalit dakila ang kanyang kapangyarihan; at tiyak na mananagot ang sinumang sa kanya'y kumalaban. Bagyo at ipu-ipo ang kanyang dinaraanan; ang mga ulap ay kagaya lamang ng alikabok sa kanyang mga paa.
Nahum 1:3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang PANGINOON ay hindi madaling magalit, ngunit dakila ang kanyang kapangyarihan at tiyak na parurusahan niya ang nagkasala. Kapag dumadaan siya, umuugong ang hangin at bumabagyo. Ang mga ulap ay parang alikabok sa kanyang mga paa.
Nahum 1:3 Ang Biblia (TLAB)
Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan, at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin: ang daan ng Panginoon ay sa ipoipo at sa bagyo, at ang mga ulap ay siyang alabok ng kaniyang mga paa.
Nahum 1:3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)