Nahum 1:2-3
Nahum 1:2-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ayaw ng PANGINOONG Diyos na sumamba ang mga tao sa ibang mga diyos. Galit siya sa kanyang mga kaaway at pinaghihigantihan niya sila. Ang PANGINOON ay hindi madaling magalit, ngunit dakila ang kanyang kapangyarihan at tiyak na parurusahan niya ang nagkasala. Kapag dumadaan siya, umuugong ang hangin at bumabagyo. Ang mga ulap ay parang alikabok sa kanyang mga paa.
Nahum 1:2-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Si Yahweh ay Diyos na mapanibughuin at mapaghiganti; si Yahweh ay naghihiganti at napopoot. Si Yahweh ay Diyos na mapanibughuin; kanyang mga kaaway, kanyang pinaparusahan. Si Yahweh ay hindi madaling magalit subalit dakila ang kanyang kapangyarihan; at tiyak na mananagot ang sinumang sa kanya'y kumalaban.
Nahum 1:2-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ayaw ng PANGINOONG Diyos na sumamba ang mga tao sa ibang mga diyos. Galit siya sa kanyang mga kaaway at pinaghihigantihan niya sila. Ang PANGINOON ay hindi madaling magalit, ngunit dakila ang kanyang kapangyarihan at tiyak na parurusahan niya ang nagkasala. Kapag dumadaan siya, umuugong ang hangin at bumabagyo. Ang mga ulap ay parang alikabok sa kanyang mga paa.
Nahum 1:2-3 Ang Biblia (TLAB)
Ang Panginoon ay mapanibughuing Dios at nanghihiganti; ang Panginoon ay nanghihiganti at puspos ng kapootan; ang Panginoon ay nanghihiganti sa kaniyang mga kaaway, at siya'y nagtataan ng kapootan sa kaniyang mga kaaway. Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan, at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin: ang daan ng Panginoon ay sa ipoipo at sa bagyo, at ang mga ulap ay siyang alabok ng kaniyang mga paa.
Nahum 1:2-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Si Yahweh ay Diyos na mapanibughuin at mapaghiganti; si Yahweh ay naghihiganti at napopoot. Si Yahweh ay Diyos na mapanibughuin; kanyang mga kaaway, kanyang pinaparusahan. Si Yahweh ay hindi madaling magalit subalit dakila ang kanyang kapangyarihan; at tiyak na mananagot ang sinumang sa kanya'y kumalaban.
Nahum 1:2-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)