Marcos 9:28-29
Marcos 9:28-29 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang pumasok si Jesus sa bahay, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “Bakit po hindi namin napalayas ang masamang espiritung iyon?” Sumagot si Jesus, “Mapapalayas lamang ang ganitong uri ng espiritu sa pamamagitan ng panalangin.”
Marcos 9:28-29 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang pumasok na sina Hesus sa bahay na tinutuluyan nila, tinanong siya ng mga alagad niya nang mapag-isa na lamang sila, “Bakit hindi po namin mapalayas ang masamang espiritu?” Sinagot sila ni Hesus, “Ang ganoong uri ng masamang espiritu ay mapapalayas lang sa pamamagitan ng panalangin.”
Marcos 9:28-29 Ang Biblia (TLAB)
At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin.
Marcos 9:28-29 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)