Marcos 7:31-37
Marcos 7:31-37 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagbalik ni Jesus mula sa lupain ng Tiro, dumaan siya sa Sidon at nagtuloy sa Lawa ng Galilea, matapos tahakin ang lupain ng Decapolis. Dinala ng mga tao sa kanya ang isang lalaking bingi at pipi, at nakiusap sila sa kanya na ipatong niya rito ang kanyang kamay. Inilayo muna ni Jesus sa karamihan ang lalaki, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura si Jesus at ipinahid ito sa dila ng pipi. Tumingala si Jesus sa langit at nagbuntong-hininga. Pagkatapos, inutos niya sa tainga ng lalaki, “Effata,” na ang ibig sabihi'y, “Bumukas ka!” Noon di'y nakarinig ang lalaki at nakapagsalita na nang maayos. Sinabi ni Jesus sa mga tao na huwag ipamalita ito, ngunit habang pinagbabawalan niya ang mga tao ay lalo naman nila itong ipinamamalita. Buong paghangang sinasabi nila, “Ang lahat ng kanyang ginagawa ay napakabuti! Pinapagaling pa niya ang mga bingi at pipi!”
Marcos 7:31-37 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Umalis si Hesus sa lupain ng Tiro, at dumaan sa Sidon. Nagtuloy siya sa lawa ng Galilea, at tinahak niya ang lupain ng Decapolis. Dinala ng mga tao kay Hesus ang isang lalaking pipi at bingi. Nakiusap sila na ipatong niya ang kanyang mga kamay sa lalaki upang gumaling ito. Inilayo muna ni Hesus ang lalaki sa mga tao. Nang sila na lang, ipinasok niya ang kanyang mga daliri sa mga tainga ng lalaki, at pagkatapos ay dumura siya at hinipo ang dila ng lalaki. Tumingala si Hesus sa langit, nagbuntong-hininga, at sinabi sa lalaki, “Effata!” (na ang ibig sabihin ay “Mabuksan ka!”) Agad na nakarinig ang lalaki at nakapagsalita nang maayos. Binilinan naman ni Hesus ang mga tao na huwag ipamalita ang nangyari. Ngunit habang pinagbabawalan niya ang mga tao ay lalo naman nila itong ipinamamalita. Labis na namangha ang mga tao, at sinabi nila, “Napakahusay ng lahat ng ginawa niya! Kahit ang mga pipi ay nakakapagsalita at ang mga bingi ay nakakarinig.”
Marcos 7:31-37 Ang Biblia (TLAB)
At siya'y muling umalis sa mga hangganan ng Tiro, at napasa Sidon hanggang sa dagat ng Galilea, na kaniyang tinahak ang mga hangganan ng Decapolis. At dinala nila sa kaniya ang isang bingi at utal; at ipinamanhik nila sa kaniya na kaniyang ipatong ang kaniyang kamay sa kaniya. At siya'y inihiwalay niya ng bukod sa karamihan, at isinuot ang kaniyang mga daliri sa mga tainga niya, at siya'y lumura, at hinipo ang kaniyang dila; At pagkatingala sa langit, ay siya'y nagbuntong-hininga, at sinabi sa kaniya, Ephatha, sa makatuwid baga'y, Mabuksan. At nangabuksan ang kaniyang mga pakinig, at nakalag ang tali ng kaniyang dila, at siya'y nakapagsalitang malinaw. At ipinagbilin niya sa kanila na kanino mang tao ay huwag nilang sabihin: nguni't kung kailan lalong ipinagbabawal niya sa kanila, ay lalo namang kanilang ibinabantog. At sila'y nangagtataka ng di kawasa, na nangagsasabi, Mabuti ang pagkagawa niya sa lahat ng mga bagay; kaniyang binibigyang pakinig pati ng mga bingi, at pinapagsasalita ang mga pipi.
Marcos 7:31-37 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pagbalik ni Jesus mula sa lupain ng Tiro, dumaan siya sa Sidon at nagtuloy sa Lawa ng Galilea, matapos tahakin ang lupain ng Decapolis. Dinala ng mga tao sa kanya ang isang lalaking bingi at pipi, at nakiusap sila sa kanya na ipatong niya rito ang kanyang kamay. Inilayo muna ni Jesus sa karamihan ang lalaki, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura si Jesus at ipinahid ito sa dila ng pipi. Tumingala si Jesus sa langit at nagbuntong-hininga. Pagkatapos, inutos niya sa tainga ng lalaki, “Effata,” na ang ibig sabihi'y, “Bumukas ka!” Noon di'y nakarinig ang lalaki at nakapagsalita na nang maayos. Sinabi ni Jesus sa mga tao na huwag ipamalita ito, ngunit habang pinagbabawalan niya ang mga tao ay lalo naman nila itong ipinamamalita. Buong paghangang sinasabi nila, “Ang lahat ng kanyang ginagawa ay napakabuti! Pinapagaling pa niya ang mga bingi at pipi!”
Marcos 7:31-37 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)