Marcos 6:31 - Compare All Versions
Marcos 6:31 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Subalit napakaraming taong dumarating at umaalis, at hindi na nila makuhang kumain. Kaya't sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Magpunta tayo sa isang lugar na kung saan maaari tayong makapagsarilinan, at upang makapagpahinga kayo nang kaunti.”
Marcos 6:31 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Dahil sa dami ng mga taong dumarating at umaalis, wala na silang panahon kahit kumain man lang. Kaya sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Halikayo! Punta tayo sa hindi mataong lugar upang makapagpahinga.”
Marcos 6:31 TLAB (Ang Biblia)
At sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo ng bukod sa isang dakong ilang, at mangagpahinga kayo ng kaunti. Sapagka't marami ang nangagpaparoo't parito, at sila'y hindi man lamang mangagkapanahon na magsikain.
Marcos 6:31 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Subalit napakaraming taong dumarating at umaalis, at hindi na nila makuhang kumain. Kaya't sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Magpunta tayo sa isang lugar na kung saan maaari tayong makapagsarilinan, at upang makapagpahinga kayo nang kaunti.”
Marcos 6:31 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))