Marcos 6:30-56
Marcos 6:30-56 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Bumalik kay Jesus ang mga apostol at iniulat nila sa kanya ang lahat ng kanilang ginawa at itinuro. Subalit napakaraming taong dumarating at umaalis, at hindi na nila makuhang kumain. Kaya't sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Magpunta tayo sa isang lugar na kung saan maaari tayong makapagsarilinan, at upang makapagpahinga kayo nang kaunti.” Umalis nga silang sakay ng isang bangka, at nagpunta sa isang ilang na lugar. Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakaalam kung saan sila pupunta. Kaya't ang mga tao mula sa lahat ng bayan ay patakbong pumunta sa lugar na iyon at naunahan pa nila sila Jesus. Pagbaba ni Jesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol, kaya't sila'y tinuruan niya ng maraming bagay. Nang dapit-hapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi, “Ilang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. Paalisin na po ninyo ang mga tao upang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain.” Ngunit sinabi sa kanila ni Jesus, “Bigyan ninyo sila ng makakain.” Sumagot ang mga alagad, “Nais po ba ninyong bumili kami ng pagkain sa halagang dalawandaang salaping pilak?” “Ilan ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo,” utos niya. Pagkatapos tingnan ay kanilang sinabi, “Lima po, at dalawang isda.” Iniutos ni Jesus sa mga alagad na pangkat-pangkat na paupuin ang mga tao sa damuhan. Kaya't naupo ang mga tao nang tig-iisang daan at tiglilimampu bawat grupo. Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Hinati-hati niya ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Hinati-hati rin niya ang dalawang isda at ipinamahagi rin nila. Ang lahat ay nakakain at nabusog, at nang tipunin ng mga alagad ang lumabis na tinapay at isda, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing. May limanlibong lalaki ang kumain ng tinapay. Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang kanyang mga alagad. Sila ay pinauna niya sa Bethsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, habang pinapauwi naman niya ang mga tao. Matapos magpaalam, umakyat siya sa bundok upang manalangin. Nang sumapit ang gabi, nasa laot na ang bangka, habang si Jesus naman ay nag-iisa sa pampang. Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad dahil pasalungat sila sa ihip ng hangin. Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Nang malalampasan na niya ang mga alagad, nakita ng mga ito na siya ay lumalakad sa ibabaw ng tubig. Akala nila siya ay isang multo kaya sila ay nagsisigaw. Takot na takot silang lahat, ngunit agad na sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!” Sumakay siya sa bangka at pumayapa ang hangin. Sila'y lubhang namangha sapagkat hindi pa nila nauunawaan ang tunay na kahulugan ng nangyari sa tinapay; hindi pa ito abot ng kanilang isip. Tumawid sila sa ibayo at pagdating sa Genesaret ay dumaong sila sa pampang. Pagbabang-pagbaba nila, nakilala agad siya ng mga tao. Kaya't nagmadaling nilibot ng mga tao ang mga karatig-pook at sinundo ang mga maysakit. Dinadala nila ang mga nakaratay sa higaan, saanman nila mabalitaang naroon si Jesus. At saan man siya pumunta, sa nayon, sa lunsod, o sa kabukiran, agad na inilalapit sa kanya ang mga may karamdaman at ipinapakiusap sa kanya na mahawakan man lamang nila ang laylayan ng kanyang damit. At ang lahat ng makahawak dito ay gumagaling.
Marcos 6:30-56 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Bumalik ang mga apostol na isinugo ni Hesus, at ikinuwento nila sa kanya ang lahat ng ginawa at ipinangaral nila. Dahil sa dami ng mga taong dumarating at umaalis, wala na silang panahon kahit kumain man lang. Kaya sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Halikayo! Punta tayo sa hindi mataong lugar upang makapagpahinga.” Sumakay sila sa isang bangka at pumunta sa hindi mataong lugar. Ngunit marami ang nakakita sa kanilang pag-alis at nakilala sila ng mga ito, kaya nagtakbuhan ang mga tao, mula sa ibaʼt ibang bayan, sa pupuntahan nina Hesus at nauna pa silang dumating doon. Nang bumaba si Hesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. Kayaʼt siyaʼy nagturo sa kanila ng maraming bagay. Nang dapit-hapon na, lumapit kay Hesus ang mga alagad niya at sinabi, “Liblib ang lugar na ito at gumagabi na. Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain.” Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “Ibig po ba ninyong sabihin ay gagastos kami ng higit kalahating taóng sahod sa tinapay para may makain sila?” Tinanong sila ni Hesus, “Ilan ba ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo.” Tiningnan nga nila, at sinabi kay Hesus, “Mayroon po tayong limang tinapay at dalawang isda.” Pagkatapos, inutusan sila ni Hesus na paupuin nang pangkat-pangkat ang mga tao sa damuhan. Kaya umupo nga sila nang pangkatan, may tig-iisang daan at may tiglilimampu. Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang tinapay at ibinigay sa mga alagad niya para ipamahagi sa mga tao. Pinagpira-piraso niya rin ang dalawang isda at ipinamahagi rin nila. Kumain silang lahat at nabusog, at nang tipunin ng mga alagad ang natirang tinapay at isda ay nakapuno sila ng labindalawang kaing. Ang bilang ng mga lalaking kumain ay limang libo. Pagkatapos nitoʼy pinasakay agad ni Hesus sa bangka ang mga alagad niya at pinauna sa bayan ng Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, habang pinapauwi niya ang mga tao. Matapos siyang magpaalam sa lahat, umakyat siya sa isang bundok upang manalangin. Pagsapit ng gabi, nasa laot na ang bangka at si Hesus ay nag-iisa sa pampang. Nakita niyang hirap sa pagsagwan ang mga alagad niya, dahil salungat sila sa hangin. Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan na lang sana niya sila, ngunit nang makita siya ng mga alagad niya na lumalakad sa ibabaw ng tubig, inisip nilang multo siya kayaʼt nagsigawan sila. Takot na takot silang lahat sa nakita nila. Ngunit nagsalita agad si Hesus, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob.” Sumakay siya sa bangka at biglang tumigil ang malakas na hangin. Lubos silang namangha, dahil hindi pa rin sila nakakaunawa kahit nakita na nila ang himalang ginawa ni Hesus sa tinapay. Sa halip na makaunawa, matigas ang puso nila. Nang makatawid na sila sa lawa, dumating sila sa Genesaret at doon nila idinaong ang bangka. Pagbaba nila, nakilala agad ng mga tao roon si Hesus, kaya nagmamadaling tumakbo ang mga ito upang ipamalita sa buong lugar. Inilagay sa mga higaan ang mga maysakit at dinala kay Hesus saan man nila mabalitaang naroon siya. Kahit saan siya pumunta – sa nayon, sa bayan, o sa kabukiran – dinadala ng mga tao ang kanilang mga maysakit sa mga lugar na pinagtitipunan ng mga tao. Nagmakaawa sila kay Hesus na payagan niya ang mga maysakit na hawakan kahit ang laylayan lang ng kanyang damit. At ang lahat ng humawak ay gumaling.
Marcos 6:30-56 Ang Biblia (TLAB)
At ang mga apostol ay nangagpisan kay Jesus; at isinaysay nila sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kanilang ginawa, at ang lahat ng kanilang itinuro. At sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo ng bukod sa isang dakong ilang, at mangagpahinga kayo ng kaunti. Sapagka't marami ang nangagpaparoo't parito, at sila'y hindi man lamang mangagkapanahon na magsikain. At nagsiyaon silang nangasa daong at nangapasa isang dakong ilang at bukod. At nangakita sila ng mga tao sa pagalis, at sila'y nangakilala ng marami at paraparang nagsisitakbo na nagsiparoon doon mula sa lahat ng mga bayan, at nangaunang nagsirating pa kay sa kanila. At lumabas siya at nakita ang lubhang maraming tao, at nahabag siya sa kanila, sapagka't sila'y gaya ng mga tupa na walang pastor: at siya'y nagpasimulang tinuruan sila ng maraming bagay. At nang gumabi na, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at nangagsabi, Ilang ang dakong ito, at gumagabi na; Payaunin mo sila, upang sila'y magsiparoon sa mga bayan at mga nayon sa palibotlibot nito, at mangagsibili ng anomang makakain. Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Bigyan ninyo sila ng makakain. At sinabi nila sa kaniya, Magsisiyaon ba kami at magsisibili ng dalawang daang denariong tinapay, at ipakakain namin sa kanila? At sinabi niya sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? magsiparoon kayo at inyong tingnan. At nang mangaalaman nila, ay kanilang sinabi, Lima, at dalawang isda. At iniutos niya sa kanila na paupuin silang lahat na pulupulutong sa ibabaw ng damuhang sariwa. At sila'y nagsiupong hanayhanay, na tigsasangdaan, at tiglilimangpu. At kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputolputol ang mga tinapay; at ibinigay niya sa mga alagad upang ihain nila sa kanila; at ipinamahagi niya sa kanilang lahat ang dalawang isda. At nagsikain silang lahat, at nangabusog. At kanilang pinulot ang mga pinagputolputol, labingdalawang bakol na puno ng tinapay at mga isda naman. At ang nagsikain ng mga tinapay ay limang libong lalake. At pagdaka'y pinalulan niya sa daong ang kaniyang mga alagad, at pinauna sa kaniya sa kabilang ibayo, sa Betsaida, samantalang pinayayaon niya ang karamihan. At pagkatapos na mapagpaalam niya sila, ay naparoon siya sa bundok upang manalangin. At nang dumating ang gabi, ang daong ay nasa gitna ng dagat, at siya'y nagiisa sa lupa. At pagkakita sa kanila na totoong nangalulumbay sa paggaod, sapagka't sinasalunga sila ng hangin, at malapit na ang ikaapat na pagpupuyat sa gabi ay naparoon siya sa kanila, na lumalakad sa ibabaw ng dagat; at ibig silang lagpasan: Datapuwa't sila, nang makita nilang siya'y lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay inakala nilang siya'y isang multo, at nangagsisigaw; Sapagka't nakita siya nilang lahat, at nangagulumihanan. Datapuwa't pagdaka'y nagsalita siya sa kanila, at sa kanila'y sinabi, Laksan ninyo ang inyong loob: ako nga; huwag kayong mangatakot. At pinanhik niya sila sa daong; at humimpil ang hangin: at sila'y nanganggilalas ng di kawasa sa kanilang sarili; Palibhasa'y hindi pa nila natatalastas yaong tungkol sa mga tinapay, dahil sa ang kanilang puso'y pinatigas. At nang mangakatawid na sila, ay narating nila ang lupa ng Genezaret, at nagsisadsad sa daungan. At paglunsad nila sa daong, pagdaka'y nakilala siya ng mga tao, At nang malibot nilang nagtutumulin ang buong lupaing yaon, at nagpasimulang dalhin sa kaniya ang mga may-sakit na nasa kanilang higaan, saan man nila marinig na naroon siya. At saan man siya pumasok, sa mga nayon, o sa mga bayan o sa mga bukid, ay inilalagay nila sa mga liwasan ang mga may-sakit, at ipinamamanhik sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit: at ang lahat ng nagsihipo sa kaniya ay pawang nagsigaling.
Marcos 6:30-56 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Bumalik kay Jesus ang mga apostol at iniulat nila sa kanya ang lahat ng kanilang ginawa at itinuro. Subalit napakaraming taong dumarating at umaalis, at hindi na nila makuhang kumain. Kaya't sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Magpunta tayo sa isang lugar na kung saan maaari tayong makapagsarilinan, at upang makapagpahinga kayo nang kaunti.” Umalis nga silang sakay ng isang bangka, at nagpunta sa isang ilang na lugar. Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakaalam kung saan sila pupunta. Kaya't ang mga tao mula sa lahat ng bayan ay patakbong pumunta sa lugar na iyon at naunahan pa nila sila Jesus. Pagbaba ni Jesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol, kaya't sila'y tinuruan niya ng maraming bagay. Nang dapit-hapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi, “Ilang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. Paalisin na po ninyo ang mga tao upang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain.” Ngunit sinabi sa kanila ni Jesus, “Bigyan ninyo sila ng makakain.” Sumagot ang mga alagad, “Nais po ba ninyong bumili kami ng pagkain sa halagang dalawandaang salaping pilak?” “Ilan ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo,” utos niya. Pagkatapos tingnan ay kanilang sinabi, “Lima po, at dalawang isda.” Iniutos ni Jesus sa mga alagad na pangkat-pangkat na paupuin ang mga tao sa damuhan. Kaya't naupo ang mga tao nang tig-iisang daan at tiglilimampu bawat grupo. Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Hinati-hati niya ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Hinati-hati rin niya ang dalawang isda at ipinamahagi rin nila. Ang lahat ay nakakain at nabusog, at nang tipunin ng mga alagad ang lumabis na tinapay at isda, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing. May limanlibong lalaki ang kumain ng tinapay. Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang kanyang mga alagad. Sila ay pinauna niya sa Bethsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, habang pinapauwi naman niya ang mga tao. Matapos magpaalam, umakyat siya sa bundok upang manalangin. Nang sumapit ang gabi, nasa laot na ang bangka, habang si Jesus naman ay nag-iisa sa pampang. Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad dahil pasalungat sila sa ihip ng hangin. Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Nang malalampasan na niya ang mga alagad, nakita ng mga ito na siya ay lumalakad sa ibabaw ng tubig. Akala nila siya ay isang multo kaya sila ay nagsisigaw. Takot na takot silang lahat, ngunit agad na sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!” Sumakay siya sa bangka at pumayapa ang hangin. Sila'y lubhang namangha sapagkat hindi pa nila nauunawaan ang tunay na kahulugan ng nangyari sa tinapay; hindi pa ito abot ng kanilang isip. Tumawid sila sa ibayo at pagdating sa Genesaret ay dumaong sila sa pampang. Pagbabang-pagbaba nila, nakilala agad siya ng mga tao. Kaya't nagmadaling nilibot ng mga tao ang mga karatig-pook at sinundo ang mga maysakit. Dinadala nila ang mga nakaratay sa higaan, saanman nila mabalitaang naroon si Jesus. At saan man siya pumunta, sa nayon, sa lunsod, o sa kabukiran, agad na inilalapit sa kanya ang mga may karamdaman at ipinapakiusap sa kanya na mahawakan man lamang nila ang laylayan ng kanyang damit. At ang lahat ng makahawak dito ay gumagaling.
Marcos 6:30-56 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)