Marcos 6:30-46
Marcos 6:30-46 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Bumalik kay Jesus ang mga apostol at iniulat nila sa kanya ang lahat ng kanilang ginawa at itinuro. Subalit napakaraming taong dumarating at umaalis, at hindi na nila makuhang kumain. Kaya't sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Magpunta tayo sa isang lugar na kung saan maaari tayong makapagsarilinan, at upang makapagpahinga kayo nang kaunti.” Umalis nga silang sakay ng isang bangka, at nagpunta sa isang ilang na lugar. Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakaalam kung saan sila pupunta. Kaya't ang mga tao mula sa lahat ng bayan ay patakbong pumunta sa lugar na iyon at naunahan pa nila sila Jesus. Pagbaba ni Jesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol, kaya't sila'y tinuruan niya ng maraming bagay. Nang dapit-hapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi, “Ilang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. Paalisin na po ninyo ang mga tao upang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain.” Ngunit sinabi sa kanila ni Jesus, “Bigyan ninyo sila ng makakain.” Sumagot ang mga alagad, “Nais po ba ninyong bumili kami ng pagkain sa halagang dalawandaang salaping pilak?” “Ilan ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo,” utos niya. Pagkatapos tingnan ay kanilang sinabi, “Lima po, at dalawang isda.” Iniutos ni Jesus sa mga alagad na pangkat-pangkat na paupuin ang mga tao sa damuhan. Kaya't naupo ang mga tao nang tig-iisang daan at tiglilimampu bawat grupo. Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Hinati-hati niya ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Hinati-hati rin niya ang dalawang isda at ipinamahagi rin nila. Ang lahat ay nakakain at nabusog, at nang tipunin ng mga alagad ang lumabis na tinapay at isda, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing. May limanlibong lalaki ang kumain ng tinapay. Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang kanyang mga alagad. Sila ay pinauna niya sa Bethsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, habang pinapauwi naman niya ang mga tao. Matapos magpaalam, umakyat siya sa bundok upang manalangin.
Marcos 6:30-46 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Bumalik ang mga apostol na isinugo ni Hesus, at ikinuwento nila sa kanya ang lahat ng ginawa at ipinangaral nila. Dahil sa dami ng mga taong dumarating at umaalis, wala na silang panahon kahit kumain man lang. Kaya sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Halikayo! Punta tayo sa hindi mataong lugar upang makapagpahinga.” Sumakay sila sa isang bangka at pumunta sa hindi mataong lugar. Ngunit marami ang nakakita sa kanilang pag-alis at nakilala sila ng mga ito, kaya nagtakbuhan ang mga tao, mula sa ibaʼt ibang bayan, sa pupuntahan nina Hesus at nauna pa silang dumating doon. Nang bumaba si Hesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. Kayaʼt siyaʼy nagturo sa kanila ng maraming bagay. Nang dapit-hapon na, lumapit kay Hesus ang mga alagad niya at sinabi, “Liblib ang lugar na ito at gumagabi na. Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain.” Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “Ibig po ba ninyong sabihin ay gagastos kami ng higit kalahating taóng sahod sa tinapay para may makain sila?” Tinanong sila ni Hesus, “Ilan ba ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo.” Tiningnan nga nila, at sinabi kay Hesus, “Mayroon po tayong limang tinapay at dalawang isda.” Pagkatapos, inutusan sila ni Hesus na paupuin nang pangkat-pangkat ang mga tao sa damuhan. Kaya umupo nga sila nang pangkatan, may tig-iisang daan at may tiglilimampu. Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang tinapay at ibinigay sa mga alagad niya para ipamahagi sa mga tao. Pinagpira-piraso niya rin ang dalawang isda at ipinamahagi rin nila. Kumain silang lahat at nabusog, at nang tipunin ng mga alagad ang natirang tinapay at isda ay nakapuno sila ng labindalawang kaing. Ang bilang ng mga lalaking kumain ay limang libo. Pagkatapos nitoʼy pinasakay agad ni Hesus sa bangka ang mga alagad niya at pinauna sa bayan ng Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, habang pinapauwi niya ang mga tao. Matapos siyang magpaalam sa lahat, umakyat siya sa isang bundok upang manalangin.
Marcos 6:30-46 Ang Biblia (TLAB)
At ang mga apostol ay nangagpisan kay Jesus; at isinaysay nila sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kanilang ginawa, at ang lahat ng kanilang itinuro. At sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo ng bukod sa isang dakong ilang, at mangagpahinga kayo ng kaunti. Sapagka't marami ang nangagpaparoo't parito, at sila'y hindi man lamang mangagkapanahon na magsikain. At nagsiyaon silang nangasa daong at nangapasa isang dakong ilang at bukod. At nangakita sila ng mga tao sa pagalis, at sila'y nangakilala ng marami at paraparang nagsisitakbo na nagsiparoon doon mula sa lahat ng mga bayan, at nangaunang nagsirating pa kay sa kanila. At lumabas siya at nakita ang lubhang maraming tao, at nahabag siya sa kanila, sapagka't sila'y gaya ng mga tupa na walang pastor: at siya'y nagpasimulang tinuruan sila ng maraming bagay. At nang gumabi na, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at nangagsabi, Ilang ang dakong ito, at gumagabi na; Payaunin mo sila, upang sila'y magsiparoon sa mga bayan at mga nayon sa palibotlibot nito, at mangagsibili ng anomang makakain. Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Bigyan ninyo sila ng makakain. At sinabi nila sa kaniya, Magsisiyaon ba kami at magsisibili ng dalawang daang denariong tinapay, at ipakakain namin sa kanila? At sinabi niya sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? magsiparoon kayo at inyong tingnan. At nang mangaalaman nila, ay kanilang sinabi, Lima, at dalawang isda. At iniutos niya sa kanila na paupuin silang lahat na pulupulutong sa ibabaw ng damuhang sariwa. At sila'y nagsiupong hanayhanay, na tigsasangdaan, at tiglilimangpu. At kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputolputol ang mga tinapay; at ibinigay niya sa mga alagad upang ihain nila sa kanila; at ipinamahagi niya sa kanilang lahat ang dalawang isda. At nagsikain silang lahat, at nangabusog. At kanilang pinulot ang mga pinagputolputol, labingdalawang bakol na puno ng tinapay at mga isda naman. At ang nagsikain ng mga tinapay ay limang libong lalake. At pagdaka'y pinalulan niya sa daong ang kaniyang mga alagad, at pinauna sa kaniya sa kabilang ibayo, sa Betsaida, samantalang pinayayaon niya ang karamihan. At pagkatapos na mapagpaalam niya sila, ay naparoon siya sa bundok upang manalangin.
Marcos 6:30-46 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Bumalik kay Jesus ang mga apostol at iniulat nila sa kanya ang lahat ng kanilang ginawa at itinuro. Subalit napakaraming taong dumarating at umaalis, at hindi na nila makuhang kumain. Kaya't sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Magpunta tayo sa isang lugar na kung saan maaari tayong makapagsarilinan, at upang makapagpahinga kayo nang kaunti.” Umalis nga silang sakay ng isang bangka, at nagpunta sa isang ilang na lugar. Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakaalam kung saan sila pupunta. Kaya't ang mga tao mula sa lahat ng bayan ay patakbong pumunta sa lugar na iyon at naunahan pa nila sila Jesus. Pagbaba ni Jesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol, kaya't sila'y tinuruan niya ng maraming bagay. Nang dapit-hapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi, “Ilang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. Paalisin na po ninyo ang mga tao upang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain.” Ngunit sinabi sa kanila ni Jesus, “Bigyan ninyo sila ng makakain.” Sumagot ang mga alagad, “Nais po ba ninyong bumili kami ng pagkain sa halagang dalawandaang salaping pilak?” “Ilan ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo,” utos niya. Pagkatapos tingnan ay kanilang sinabi, “Lima po, at dalawang isda.” Iniutos ni Jesus sa mga alagad na pangkat-pangkat na paupuin ang mga tao sa damuhan. Kaya't naupo ang mga tao nang tig-iisang daan at tiglilimampu bawat grupo. Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Hinati-hati niya ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Hinati-hati rin niya ang dalawang isda at ipinamahagi rin nila. Ang lahat ay nakakain at nabusog, at nang tipunin ng mga alagad ang lumabis na tinapay at isda, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing. May limanlibong lalaki ang kumain ng tinapay. Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang kanyang mga alagad. Sila ay pinauna niya sa Bethsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, habang pinapauwi naman niya ang mga tao. Matapos magpaalam, umakyat siya sa bundok upang manalangin.
Marcos 6:30-46 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)