Marcos 6:30-32
Marcos 6:30-32 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At ang mga apostol ay nangagpisan kay Jesus; at isinaysay nila sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kanilang ginawa, at ang lahat ng kanilang itinuro. At sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo ng bukod sa isang dakong ilang, at mangagpahinga kayo ng kaunti. Sapagka't marami ang nangagpaparoo't parito, at sila'y hindi man lamang mangagkapanahon na magsikain. At nagsiyaon silang nangasa daong at nangapasa isang dakong ilang at bukod.
Marcos 6:30-32 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Bumalik kay Jesus ang mga apostol at iniulat nila sa kanya ang lahat ng kanilang ginawa at itinuro. Subalit napakaraming taong dumarating at umaalis, at hindi na nila makuhang kumain. Kaya't sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Magpunta tayo sa isang lugar na kung saan maaari tayong makapagsarilinan, at upang makapagpahinga kayo nang kaunti.” Umalis nga silang sakay ng isang bangka, at nagpunta sa isang ilang na lugar.
Marcos 6:30-32 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Bumalik ang mga apostol na isinugo ni Hesus, at ikinuwento nila sa kanya ang lahat ng ginawa at ipinangaral nila. Dahil sa dami ng mga taong dumarating at umaalis, wala na silang panahon kahit kumain man lang. Kaya sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Halikayo! Punta tayo sa hindi mataong lugar upang makapagpahinga.” Sumakay sila sa isang bangka at pumunta sa hindi mataong lugar.
Marcos 6:30-32 Ang Biblia (TLAB)
At ang mga apostol ay nangagpisan kay Jesus; at isinaysay nila sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kanilang ginawa, at ang lahat ng kanilang itinuro. At sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo ng bukod sa isang dakong ilang, at mangagpahinga kayo ng kaunti. Sapagka't marami ang nangagpaparoo't parito, at sila'y hindi man lamang mangagkapanahon na magsikain. At nagsiyaon silang nangasa daong at nangapasa isang dakong ilang at bukod.
Marcos 6:30-32 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)