Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Marcos 3:7-21

Marcos 3:7-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Umalis si Jesus at ang kanyang mga alagad at sila'y nagpunta sa tabi ng lawa. Sinundan siya roon ng napakaraming taong buhat sa Galilea, sa Judea, sa Jerusalem, sa Idumea, sa ibayo ng Jordan, at sa palibot ng Tiro at Sidon. Sumunod sila kay Jesus dahil nabalitaan nila ang lahat ng ginagawa niya. Dahil napakarami ng mga tao, inutusan ni Jesus ang kanyang mga alagad na maghanda ng isang bangkang masasakyan niya upang hindi siya maipit ng mga taong dumaragsa. Sapagkat marami na siyang pinagaling, dinudumog siya ng lahat ng maysakit upang mahawakan man lamang siya. Bawat taong sinasapian ng masamang espiritu na makakita sa kanya ay nagpapatirapa sa harapan niya at sumisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit mahigpit silang inutusan ni Jesus na huwag ipagsabi kung sino siya. Pagkatapos nito, umakyat si Jesus sa bundok kasama ang mga taong pinili niya at sumunod sa kanya. Buhat sa mga taong iyon ay pumili siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol. Hinirang niya ang mga ito upang maging kasa-kasama niya at upang suguing mangaral. Sila ay binigyan din niya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo. Ito ang labindalawang hinirang niya: si Simon, na pinangalanan niyang Pedro; sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, sila'y tinawag din niyang Boanerges, na ang kahulugan ay “mga anak ng kulog”; sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo, si Simon na Makabayan, at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo kay Jesus. Pag-uwi ni Jesus, muling nagkatipon doon ang napakaraming tao kaya't hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong kumain pa. Nang mabalitaan iyon ng kanyang mga kasambahay, sila'y pumaroon upang sawayin siya dahil sinasabi ng mga tao na siya'y nasisiraan ng bait.

Marcos 3:7-21 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Pumunta si Hesus at ang kanyang mga alagad sa tabi ng lawa ng Galilea. Sinundan siya ng napakaraming tao na nagmula sa Galilea, sa lungsod ng Jerusalem at sa iba pang mga bayan sa lalawigan ng Judea, sa lalawigan ng Idumea, sa kabila ng Ilog Jordan, at sa palibot ng Tiro at Sidon. Dinayo siya ng mga tao dahil nabalitaan nila ang mga kamangha-manghang ginagawa niya. Dahil sa dami ng tao, nagpahanda si Hesus ng isang bangka sa mga alagad niya, upang hindi siya maipit ng mga ito. Marami na siyang pinagaling, kaya dinumog siya ng napakaraming maysakit upang mahawakan siya. Kapag nakikita siya ng mga taong sinasaniban ng masamáng espiritu, nagpapatirapa sila sa harap niya at sumisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit mahigpit niya silang pinagbawalan na ibunyag kung sino siya. Pagkatapos, umakyat sina Hesus sa bundok at dooʼy tinawag niya ang mga taong gusto niyang piliin, at silaʼy lumapit sa kanya. Humirang siya ng labindalawa [na tinawag niyang mga apostol] upang makasama niya at upang isugong mangaral. Binigyan niya sila ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo. Ito ang mga labindalawang hinirang niya: si Simon (na tinawag niyang Pedro), sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo (tinawag niya silang Boanerges na ang ibig sabihin ay “mga anak ng kulog”), si Andres, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo, si Simon na makabayan at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo kay Hesus kinalaunan. Pag-uwi ni Hesus sa bahay na tinutuluyan niya, muling dumating ang napakaraming tao, kaya siya at ang mga alagad niya ay hindi na nagawang kumain. Nang mabalitaan ito ng pamilya ni Hesus, pumunta sila upang kunin siya dahil naisip nilang baka nasisiraan na siya ng bait.

Marcos 3:7-21 Ang Biblia (TLAB)

At si Jesus na kasama ng kaniyang mga alagad ay lumigpit sa dagat: at nagsisunod sa kaniya ang lubhang karamihang taong mula sa Galilea; at mula sa Judea, At mula sa Jerusalem, at mula sa Idumea, at mula sa dakong ibayo ng Jordan, at sa palibotlibot ng Tiro, at Sidon, na lubhang maraming tao, nang mabalitaan ang lubhang mga dakilang bagay na kaniyang ginagawa, ay nagsiparoon sa kaniya. At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, na ihanda sa kaniya ang isang maliit na daong dahil sa karamihan, baka siya'y kanilang siksikin: Sapagka't siya'y nakapagpagaling sa marami; ano pa't sinisiksik siya ng lahat ng mga nasasalot upang siya'y mahipo nila. At ang mga karumaldumal na espiritu, pagkakita sa kaniya, ay nangagpatirapa sa kaniyang harapan, at nangagsisisigaw, na nangagsasabi, Ikaw ang Anak ng Dios. At ipinagbilin niya sa kanilang mahigpit na siya'y huwag nilang ihayag. At siya'y umahon sa bundok, at tinawag niya ang balang kaniyang maibigan: at nagsilapit sila sa kaniya. At naghalal siya ng labingdalawa, upang sila'y makisama sa kaniya, at upang sila'y suguin niyang magsipangaral, At magkaroon ng kapamahalaang magpalayas ng mga demonio: At si Simon ay kaniyang pinamagatang Pedro; At si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kapatid ni Santiago; at sila'y pinamagatan niyang Boanerges, na sa makatuwid baga'y mga Anak ng kulog: At si Andres, at si Felipe, at si Bartolome, at si Mateo, at si Tomas, at si Santiago, na anak ni Alfeo, at si Tadeo, at si Simon ang Cananeo, At si Judas Iscariote, na siya ring nagkanulo sa kaniya. At pumasok siya sa isang bahay. At muling nagkatipon ang karamihan, ano pa't sila'y hindi man lamang makakain ng tinapay. At nang mabalitaan yaon ng kaniyang mga kaibigan, ay nagsilabas sila upang siya'y hulihin: sapagka't kanilang sinabi, Sira ang kaniyang bait.

Marcos 3:7-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Umalis si Jesus at ang kanyang mga alagad at sila'y nagpunta sa tabi ng lawa. Sinundan siya roon ng napakaraming taong buhat sa Galilea, sa Judea, sa Jerusalem, sa Idumea, sa ibayo ng Jordan, at sa palibot ng Tiro at Sidon. Sumunod sila kay Jesus dahil nabalitaan nila ang lahat ng ginagawa niya. Dahil napakarami ng mga tao, inutusan ni Jesus ang kanyang mga alagad na maghanda ng isang bangkang masasakyan niya upang hindi siya maipit ng mga taong dumaragsa. Sapagkat marami na siyang pinagaling, dinudumog siya ng lahat ng maysakit upang mahawakan man lamang siya. Bawat taong sinasapian ng masamang espiritu na makakita sa kanya ay nagpapatirapa sa harapan niya at sumisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit mahigpit silang inutusan ni Jesus na huwag ipagsabi kung sino siya. Pagkatapos nito, umakyat si Jesus sa bundok kasama ang mga taong pinili niya at sumunod sa kanya. Buhat sa mga taong iyon ay pumili siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol. Hinirang niya ang mga ito upang maging kasa-kasama niya at upang suguing mangaral. Sila ay binigyan din niya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo. Ito ang labindalawang hinirang niya: si Simon, na pinangalanan niyang Pedro; sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, sila'y tinawag din niyang Boanerges, na ang kahulugan ay “mga anak ng kulog”; sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo, si Simon na Makabayan, at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo kay Jesus. Pag-uwi ni Jesus, muling nagkatipon doon ang napakaraming tao kaya't hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong kumain pa. Nang mabalitaan iyon ng kanyang mga kasambahay, sila'y pumaroon upang sawayin siya dahil sinasabi ng mga tao na siya'y nasisiraan ng bait.

Marcos 3:7-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)