Marcos 1:44 - Compare All Versions
Marcos 1:44 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
at pinagsabihan ng ganito: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay magpunta ka at magpasuri sa pari. Pagkatapos, mag-alay ka ng handog para sa Diyos ayon sa iniutos ni Moises bilang patunay sa mga tao na ikaw ay magaling at malinis na.”
Marcos 1:44 ASD (Ang Salita ng Diyos)
“Huwag mo itong ipagsasabi kahit kanino. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Dalhin mo ang handog na hinihiling ng Kautusan ni Moises sa mga taong gumaling sa sakit sa balat. Gawin mo ito bilang patunay sa mga tao na malinis ka na.”
Marcos 1:44 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
at pinagsabihan ng ganito: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay magpunta ka at magpasuri sa pari. Pagkatapos, mag-alay ka ng handog para sa Diyos ayon sa iniutos ni Moises bilang patunay sa mga tao na ikaw ay magaling at malinis na.”
Marcos 1:44 TLAB (Ang Biblia)
At sinabi sa kaniya, Ingatan mong huwag sabihin sa kanino mang tao ang anoman: kundi yumaon ka, at pakita ka sa saserdote, at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo ng mga bagay na ipinagutos ni Moises, na bilang isang patotoo sa kanila.
Marcos 1:44 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))