Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Marcos 1:29-39 - Compare All Versions

Marcos 1:29-39 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Mula sa sinagoga, si Jesus, kasama sina Santiago at Juan, ay nagtuloy agad sa bahay nina Simon at Andres. Noon ay nakahigang nilalagnat ang biyenan ni Simon at ito'y agad nilang sinabi kay Jesus. Kaya't nilapitan ni Jesus ang babae, hinawakan ito sa kamay at ibinangon. Noon di'y gumaling ito at naghanda ng pagkain para sa kanila. Pagsapit ng gabi, pagkalubog ng araw, dinala kay Jesus ang lahat ng maysakit at ang mga sinasapian ng demonyo. Halos lahat ng mga tagaroon ay nagkatipon sa harap ng bahay. Pinagaling ni Jesus ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Pinalayas din niya ang mga demonyo, at hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito sapagkat alam nila kung sino siya. Madaling-araw pa'y bumangon na si Jesus at nagpunta sa isang lugar kung saan maaari siyang manalanging mag-isa. Hinanap siya ni Simon at ng mga kasama nito, at nang matagpuan siya ay sinabi nila, “Hinahanap po kayo ng mga tao.” Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kailangang pumunta rin tayo sa mga karatig-bayan upang makapangaral ako roon. Ito ang dahilan ng pagparito ko.” Nilibot nga ni Jesus ang buong Galilea. Nangaral siya sa kanilang mga sinagoga at nagpalayas ng mga demonyo.

Marcos 1:29-39 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Mula sa sinagoga, sumáma si Hesus kina Simon at Andres sa kanilang bahay. Kasama rin nila sina Santiago at Juan. Nadatnan nilang nakahiga ang biyenang babae ni Simon dahil nilalagnat ito. Sinabi nila agad ito kay Hesus. Kaya nilapitan ni Hesus ang may sakit, hinawakan ang kamay nito at ibinangon. Biglang nawala ang lagnat niya, at pinagsilbihan niya sina Hesus. Pagkalubog ng araw, dinala ng mga tao kay Hesus ang mga maysakit at mga sinasapian ng demonyo. Napakaraming tao sa bayang iyon ang nagkatipon-tipon sa may pintuan ng bahay. Pinagaling ni Hesus ang maraming may sakit, anuman ang kanilang karamdaman, at pinalayas din niya ang maraming demonyo. Hindi niya pinayagang magsalita ang mga demonyo dahil alam nila kung sino siya. Kinabukasan ng madaling-araw, bumangon si Hesus at pumunta sa ilang upang manalangin. Hindi nagtagal, hinanap siya nina Simon at ng mga kasamahan niya. Nang matagpuan nila si Hesus, sinabi nila, “Hinahanap po kayo ng lahat.” Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Pumunta naman tayo sa mga kalapit-bayan, upang makapangaral din ako roon, dahil ito ang dahilan kung bakit ako naparito sa mundo.” Kaya nilibot ni Hesus ang buong Galilea at nangaral sa mga sinagoga, at pinalayas ang mga demonyo sa mga taong sinapian ng mga ito.

Marcos 1:29-39 TLAB (Ang Biblia)

At paglabas nila sa sinagoga, ay nagsipasok pagdaka sa bahay ni Simon at ni Andres, na kasama si Santiago at si Juan. Nakahiga ngang nilalagnat ang biyanang babae ni Simon; at pagdaka'y pinakiusapan nila siya tungkol sa kaniya: At lumapit siya at tinangnan niya sa kamay, at siya'y itinindig; at inibsan siya ng lagnat, at siya'y naglingkod sa kanila. At nang kinagabihan, paglubog ng araw, ay kanilang dinala sa kaniya ang lahat ng mga may-sakit, at ang mga inaalihan ng mga demonio. At ang buong bayan ay nangagkatipon sa pintuan. At nagpagaling siya ng maraming may karamdaman ng sarisaring sakit, at nagpalabas ng maraming demonio; at hindi tinulutang magsipagsalita ang mga demonio, sapagka't siya'y kanilang kilala. At nagbangon siya nang madaling-araw, na malalim pa ang gabi, at lumabas, at napasa isang dakong ilang, at doo'y nanalangin. At si Simon at ang kasamahan niya ay nagsisunod sa kaniya; At siya'y nasumpungan nila, at sinabi sa kaniya, Hinahanap ka ng lahat. At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon tayo sa ibang dako ng mga kalapit na bayan, upang ako'y makapangaral din naman doon; sapagka't sa ganitong dahilan ako'y naparito. At siya'y pumasok sa mga sinagoga nila sa buong Galilea, na nangangaral at nagpapalabas ng mga demonio.

Marcos 1:29-39 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Mula sa sinagoga, si Jesus, kasama sina Santiago at Juan, ay nagtuloy agad sa bahay nina Simon at Andres. Noon ay nakahigang nilalagnat ang biyenan ni Simon at ito'y agad nilang sinabi kay Jesus. Kaya't nilapitan ni Jesus ang babae, hinawakan ito sa kamay at ibinangon. Noon di'y gumaling ito at naghanda ng pagkain para sa kanila. Pagsapit ng gabi, pagkalubog ng araw, dinala kay Jesus ang lahat ng maysakit at ang mga sinasapian ng demonyo. Halos lahat ng mga tagaroon ay nagkatipon sa harap ng bahay. Pinagaling ni Jesus ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Pinalayas din niya ang mga demonyo, at hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito sapagkat alam nila kung sino siya. Madaling-araw pa'y bumangon na si Jesus at nagpunta sa isang lugar kung saan maaari siyang manalanging mag-isa. Hinanap siya ni Simon at ng mga kasama nito, at nang matagpuan siya ay sinabi nila, “Hinahanap po kayo ng mga tao.” Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kailangang pumunta rin tayo sa mga karatig-bayan upang makapangaral ako roon. Ito ang dahilan ng pagparito ko.” Nilibot nga ni Jesus ang buong Galilea. Nangaral siya sa kanilang mga sinagoga at nagpalayas ng mga demonyo.

Marcos 1:29-39 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))