Mikas 7:18
Mikas 7:18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Wala nang ibang diyos na tulad mo, O Yahweh. Pinapatawad mo ang mga kasalanan ng mga nakaligtas sa bayan mong pinili. Hindi nananatili ang iyong galit magpakailanman. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pag-ibig.
Mikas 7:18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Walang ibang Diyos na katulad ninyo! Pinapatawad ninyo ang kasamaan at kinakalimutan ang kasalanan ng nalalabing lahi ng inyong mamamayan. Hindi kayo nananatiling galit magpakailanman dahil ikinagagalak nʼyong mahalin kami.
Mikas 7:18 Ang Biblia (TLAB)
Sino ang Dios na gaya mo, na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob.
Mikas 7:18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)