Mateo 9:9-10
Mateo 9:9-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pag-alis ni Jesus doon, nakita niya si Mateo na nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka at maglingkod sa akin.” Tumayo nga si Mateo at sumunod sa kanya. Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan. Sila'y magkakasalong kumain.
Mateo 9:9-10 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Umalis roon si Hesus at habang siyaʼy naglalakad, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na nakaupo sa lugar kung saan siya naniningil ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo naman si Mateo at sumunod sa kanya. Habang kumakain si Hesus at ang mga alagad niya sa bahay ni Mateo, nagdatingan ang maraming maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan at kumaing kasama nila.
Mateo 9:9-10 Ang Biblia (TLAB)
At pagdaraan doon ni Jesus, ay nakita niya ang isang tao, na kung tawagi'y Mateo, na nakaupo sa paningilan ng buwis: at sinabi niya sa kaniya, Sumunod ka sa akin. At siya'y nagtindig, at sumunod sa kaniya. At nangyari, na nang nakaupo siya sa pagkain sa bahay, narito, ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ay nagsirating at nagsiupong kasalo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad.
Mateo 9:9-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pag-alis ni Jesus doon, nakita niya si Mateo na nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka at maglingkod sa akin.” Tumayo nga si Mateo at sumunod sa kanya. Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan. Sila'y magkakasalong kumain.
Mateo 9:9-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)