Mateo 8:28 - Compare All Versions
Mateo 8:28 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Nang dumating si Jesus sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking sinasapian ng mga demonyo. Sila ay nakatira sa libingan. Napakababangis nila kaya't walang sinuman ang dumaraan doon.
Mateo 8:28 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Pagdating ni Hesus sa kabila ng lawa, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking sinasapian ng demonyo na galing sa mga kuwebang libingan. Napakabangis nila, kaya walang makadaan doon.
Mateo 8:28 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nang dumating si Jesus sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking sinasapian ng mga demonyo. Sila ay nakatira sa libingan. Napakababangis nila kaya't walang sinuman ang dumaraan doon.
Mateo 8:28 TLAB (Ang Biblia)
At nang siya'y makarating sa kabilang ibayo sa lupain ng mga Gadareno, ay sinalubong siya ng dalawang inaalihan ng mga demonio na nagsisilabas sa mga libingan, na totoong mababangis, na ano pa't sinoma'y walang makapagdaan sa daang yaon.
Mateo 8:28 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))