Mateo 6:7
Mateo 6:7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi.
Mateo 6:7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
At kapag nananalangin kayo, huwag kayong gumamit ng maraming salita na wala namang kabuluhan, tulad ng ginagawa ng mga Hentil. Akala nilaʼy pakikinggan sila kung marami silang sinasabi.
Mateo 6:7 Ang Biblia (TLAB)
At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.
Mateo 6:7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi.