Mateo 6:31-34
Mateo 6:31-34 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin? Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo. Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagka't ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili. Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan.
Mateo 6:31-34 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Kaya't huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan. “Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”
Mateo 6:31-34 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kayaʼt huwag kayong mag-alala at magsabi, ‘Ano ang kakainin namin?’ o ‘Ano ang iinumin namin?’, o ‘Ano ang susuotin namin?’ Ito ang mga bagay na pinagsisikapan ng mga Hentil, ngunit alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Subalit pagsikapan muna ninyong gawin kung ano ang mahalaga sa kaharian ng Diyos at sundin ang kanyang kalooban, at lahat ng mga pangangailangang ito ay ipagkakaloob niya sa inyo. Kaya huwag ninyong alalahanin ang mangyayari bukas; bukas nʼyo na lamang harapin ang mga nakatakdang kabalisahan nito. Sapat na ang mga kabalisahan ng bawat araw.”
Mateo 6:31-34 Ang Biblia (TLAB)
Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin? Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo. Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagka't ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili. Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan.
Mateo 6:31-34 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)