Mateo 5:3-5
Mateo 5:3-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. “Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. “Mapalad ang mga mapagpakumbabá, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.
Mateo 5:3-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Pinagpala ang mga taong umaaming may pagkukulang sila sa harapan ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit. Pinagpala ang mga naghihinagpis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. Pinagpala ang mga taong mapagpakumbaba, sapagkat sila ang magmamana sa buong daigdig.
Mateo 5:3-5 Ang Biblia (TLAB)
Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin. Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa.
Mateo 5:3-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)