Mateo 5:28-29 - Compare All Versions
Mateo 5:28-29 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso. Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno.
Mateo 5:28-29 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nagkasala na ng pangangalunya sa kanyang isip. Kaya kung ang kanang mata mo ang sanhi ng iyong pagkakasala, dukutin mo ito at itapon! Mas mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa sa buong katawan mo ang itatapon sa impiyerno.
Mateo 5:28-29 TLAB (Ang Biblia)
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso. At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa impierno.
Mateo 5:28-29 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso. Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno.
Mateo 5:28-29 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))