Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 5:25-28 - Compare All Versions

Mateo 5:25-28 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

“Kung may ibig magsakdal sa iyo, makipag-ayos ka agad sa kanya bago makarating sa hukuman ang inyong kaso. Kung hindi ay dadalhin ka niya sa hukom, at ibibigay ka nito sa tanod, at ikukulong ka naman sa bilangguan. Tandaan mo: hindi ka makakalabas doon hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang piso na dapat mong bayaran.” “Narinig ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.

Mateo 5:25-28 ASD (Ang Salita ng Diyos)

“Kapag may nagsampa ng kaso laban sa iyo, makipag-ayos ka kaagad sa kanya habang papunta pa lang kayo sa hukuman. Dahil kung hindi, ihaharap ka niya sa hukom, at ibibigay ka naman ng hukom sa pulisya para ibilanggo. Sinasabi ko sa iyo ang totoo, hindi ka makakalabas ng bilangguan hanggaʼt hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo. “Narinig ninyo na sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nagkasala na ng pangangalunya sa kanyang isip.

Mateo 5:25-28 TLAB (Ang Biblia)

Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan. Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi ka aalis doon sa anomang paraan, hanggang hindi mo mapagbayaran ang katapustapusang beles. Narinig ninyong sinabi, Huwag kang mangangalunya: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.

Mateo 5:25-28 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

“Kung may ibig magsakdal sa iyo, makipag-ayos ka agad sa kanya bago makarating sa hukuman ang inyong kaso. Kung hindi ay dadalhin ka niya sa hukom, at ibibigay ka nito sa tanod, at ikukulong ka naman sa bilangguan. Tandaan mo: hindi ka makakalabas doon hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang piso na dapat mong bayaran.” “Narinig ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.

Mateo 5:25-28 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))