Mateo 5:17-20
Mateo 5:17-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang mga Propeta. Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang mga iyon kundi upang tuparin. Tandaan ninyo: maglalaho ang langit at ang lupa, ngunit ni isang tuldok o kudlit man ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga't hindi natutupad ang lahat. Kaya't sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit ang sumusunod sa Kautusan at nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit. Sinasabi ko sa inyo, kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.”
Mateo 5:17-20 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Huwag nʼyong isiping naparito ako para ipawalang-bisa ang Kautusan ni Moises o ang isinulat ng mga propeta. Sa halip, naparito ako para isakatuparan ang mga ito. Ngunit sinasabi ko sa inyo ang totoo, hanggaʼt hindi naglalaho ang lupa at kalangitan, hindi rin maglalaho kahit isang tuldok o kudlit sa Kautusan hanggaʼt ang lahat ng itoʼy maisakatuparan. Kaya ang sinumang lumabag sa kahit pinakamaliit na bahagi ng Kautusan, at magturo sa iba na lumabag din ay ituturing na pinakahamak sa kaharian ng Langit. Ngunit ang sinumang sumusunod sa Kautusan, at magturo sa iba na sumunod din ay ituturing na dakila sa kaharian ng Langit. Kaya tandaan ninyo: Kung hindi ninyo mahihigitan ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo sa pagsunod nila sa kalooban ng Diyos, hindi kayo mapapabilang sa kaharian ng Langit.
Mateo 5:17-20 Ang Biblia (TLAB)
Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. Kaya't ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit. Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.
Mateo 5:17-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang mga Propeta. Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang mga iyon kundi upang tuparin. Tandaan ninyo: maglalaho ang langit at ang lupa, ngunit ni isang tuldok o kudlit man ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga't hindi natutupad ang lahat. Kaya't sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit ang sumusunod sa Kautusan at nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit. Sinasabi ko sa inyo, kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.”
Mateo 5:17-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)