Mateo 5:15-16
Mateo 5:15-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”
Mateo 5:15-16 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ito ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw upang makita ito ng lahat. Sa gayon, masaksihan nila ang inyong mga mabubuting gawa at luluwalhatiin nila ang inyong Amang nasa langit.
Mateo 5:15-16 Ang Biblia (TLAB)
Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay. Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.
Mateo 5:15-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”
Mateo 5:15-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)