Mateo 5:13-14 - Compare All Versions
Mateo 5:13-14 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
“Kayo ang asin ng sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao? “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago.
Mateo 5:13-14 ASD (Ang Salita ng Diyos)
“Kayo ang asin ng mundo. Mabuti ang asin, pero kung itoʼy mawalan ng lasa, wala nang magagawa para maibalik ang alat nito. Wala na itong pakinabang kaya itatapon na lang at tatapak-tapakan ng mga tao. “Kayo ang ilaw ng mundo na hindi maikukubli, katulad ng isang lungsod na nasa tuktok ng burol.
Mateo 5:13-14 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Kayo ang asin ng sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao? “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago.
Mateo 5:13-14 TLAB (Ang Biblia)
Kayo ang asin ng lupa: nguni't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao. Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.
Mateo 5:13-14 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))