Mateo 5:1-3
Mateo 5:1-3 Ang Biblia (TLAB)
At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad: At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi, Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
Mateo 5:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit ang kanyang mga alagad at sila'y tinuruan niya. “Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.
Mateo 5:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang makita ni Hesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok at naupo roon. Lumapit sa kanya ang mga alagad niya, at nagsimula siyang mangaral. Sinabi niya, “Pinagpala ang mga taong umaaming may pagkukulang sila sa harapan ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit.
Mateo 5:1-3 Ang Biblia (TLAB)
At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad: At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi, Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
Mateo 5:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit ang kanyang mga alagad at sila'y tinuruan niya. “Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.
Mateo 5:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)