Mateo 4:23
Mateo 4:23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagtuturo siya sa mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinapagaling din niya ang lahat ng mga taong may sakit at karamdaman.
Mateo 4:23 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nilibot ni Hesus ang buong Galilea habang nagtuturo sa mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos. At pinagaling din niya ang lahat ng uri ng sakit at kapansanan ng mga tao.
Mateo 4:23 Ang Biblia (TLAB)
At nilibot ni Jesus ang buong Galilea, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao.
Mateo 4:23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)