Mateo 4:19-22
Mateo 4:19-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.” Noon di'y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus. Nagpatuloy siya ng paglalakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Sila'y nasa bangka kasama ng kanilang ama, at nag-aayos ng lambat. Tinawag din sila ni Jesus. Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus.
Mateo 4:19-22 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi niya sa kanila, “Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao.” Kaagad nilang iniwan ang mga lambat nila at sumunod sa kanya. At habang patuloy siyang naglalakad, nakita naman niya ang magkapatid na sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Nasa bangka sila kasama ang kanilang ama at nag-aayos ng kanilang lambat. Tinawag din niya ang magkapatid. Agad nilang iniwan ang kanilang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Hesus.
Mateo 4:19-22 Ang Biblia (TLAB)
At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao. At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya. At paglakad sa dako roon ay nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan, sa daong na kasama si Zebedeo na kanilang ama, na nagsisipaghayuma ng kanilang mga lambat; at sila'y kaniyang tinawag. At pagdaka'y iniwan nila ang daong at ang kanilang ama, at nagsisunod sa kaniya.
Mateo 4:19-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.” Noon di'y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus. Nagpatuloy siya ng paglalakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Sila'y nasa bangka kasama ng kanilang ama, at nag-aayos ng lambat. Tinawag din sila ni Jesus. Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus.
Mateo 4:19-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)