Mateo 3:13-16
Mateo 3:13-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dumating si Jesus sa Ilog Jordan mula sa Galilea upang magpabautismo kay Juan. Ngunit tumututol si Juan at patuloy na sinabi, “Ako po ang dapat magpabautismo sa inyo! Bakit kayo nagpapabautismo sa akin?” Subalit sumagot si Jesus, “Hayaan mong ito ang mangyari ngayon, sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.” Kaya't pumayag din si Juan. Nang siya'y mabautismuhan, umahon si Jesus sa tubig. Biglang nabuksan ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang kalapati at dumapo sa kanya.
Mateo 3:13-16 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mula sa Galilea, pinuntahan ni Hesus si Juan sa Ilog Jordan para magpabautismo. Ngunit tumanggi si Juan at sinabi, “Bakit ikaw ang magpapabautismo sa akin? Ako dapat ang magpabautismo sa iyo.” Ngunit sumagot si Hesus, “Hayaan mong mangyari ito sa ngayon. Ito ang nararapat nating gawin para isakatuparan ang kalooban ng Diyos.” Kaya pumayag si Juan na bautismuhan siya. Pagkatapos niyang mabautismuhan, umahon si Hesus sa tubig. Sa sandaling iyon, nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na parang isang kalapating bumababa hanggang sa dumapo ito sa kanya.
Mateo 3:13-16 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang siya'y bautismuhan niya. Datapuwa't ibig siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, Kinakailangan ko na ako'y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin? Nguni't pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka't ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran. Nang magkagayo'y pinayagan niya siya. At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya
Mateo 3:13-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dumating si Jesus sa Ilog Jordan mula sa Galilea upang magpabautismo kay Juan. Ngunit tumututol si Juan at patuloy na sinabi, “Ako po ang dapat magpabautismo sa inyo! Bakit kayo nagpapabautismo sa akin?” Subalit sumagot si Jesus, “Hayaan mong ito ang mangyari ngayon, sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.” Kaya't pumayag din si Juan. Nang siya'y mabautismuhan, umahon si Jesus sa tubig. Biglang nabuksan ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang kalapati at dumapo sa kanya.
Mateo 3:13-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)