Mateo 3:11
Mateo 3:11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang tanda ng inyong pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan. Ngunit ang darating na kasunod ko ang siyang magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Higit siyang makapangyarihan kaysa akin; ni hindi man lamang ako karapat-dapat magdala ng kanyang sandalyas.
Mateo 3:11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Binabautismuhan ko kayo sa tubig, bilang tanda ng pagsisisi at pagtalikod ninyo sa inyong mga kasalanan. Ngunit may darating na kasunod ko na mas makapangyarihan kaysa sa akin. Kahit ang magdala ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at apoy.
Mateo 3:11 Ang Biblia (TLAB)
Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy
Mateo 3:11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang tanda ng inyong pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan. Ngunit ang darating na kasunod ko ang siyang magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Higit siyang makapangyarihan kaysa akin; ni hindi man lamang ako karapat-dapat magdala ng kanyang sandalyas.
Mateo 3:11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)