Mateo 3:1-6
Mateo 3:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang mga panahong iyon, dumating si Juan na Tagapagbautismo sa ilang ng Judea at nagsimulang mangaral. Ganito ang kanyang sinasabi, “Magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit!” Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya, “Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!’” Gawa sa balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan at sa balat naman ng hayop ang kanyang sinturon. Ang kanya namang pagkain ay balang at pulot-pukyutan. Dinayo siya ng mga tao mula sa Jerusalem, sa buong Judea at sa magkabilang panig ng Ilog Jordan. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila'y binautismuhan niya sa Ilog Jordan.
Mateo 3:1-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang mga araw na iyon, dumating sa ilang ng Judea si Juan na Tagapagbautismo para mangaral. Sabi niya, “Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan, dahil malapit na ang paghahari ng Langit.” Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya: “May sumisigaw sa ilang na nagsasabi, ‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon, tuwirin ninyo ang landas na kanyang lalakaran.’ ” Ang damit ni Juan ay gawa sa balahibo ng kamelyo at ang sinturon niyaʼy gawa sa balat ng hayop. Ang pagkain niya ay balang at pulot-pukyutan. Pinupuntahan siya ng maraming tao mula sa Jerusalem at sa buong lalawigan ng Judea, at sa lahat ng lugar sa paligid ng Ilog Jordan. Ipinagtatapat nila ang kanilang mga kasalanan at silaʼy binabautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan.
Mateo 3:1-6 Ang Biblia (TLAB)
At nang mga araw na yaon ay dumating si Juan Bautista, na nangangaral sa ilang ng Judea, na nagsasabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit. Sapagka't ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas. Si Juan nga ay nananamit ng balahibo ng kamelyo, at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang; at ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan. Nang magkagayo'y nilabas siya ng Jerusalem, at ng buong Judea, at ng buong lupain sa palibotlibot ng Jordan; At sila'y kaniyang binabautismuhan sa ilog ng Jordan, na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan.
Mateo 3:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang mga panahong iyon, dumating si Juan na Tagapagbautismo sa ilang ng Judea at nagsimulang mangaral. Ganito ang kanyang sinasabi, “Magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit!” Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya, “Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!’” Gawa sa balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan at sa balat naman ng hayop ang kanyang sinturon. Ang kanya namang pagkain ay balang at pulot-pukyutan. Dinayo siya ng mga tao mula sa Jerusalem, sa buong Judea at sa magkabilang panig ng Ilog Jordan. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila'y binautismuhan niya sa Ilog Jordan.
Mateo 3:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)