Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 27:3-5 - Compare All Versions

Mateo 27:3-5 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Nang makita ni Judas na si Jesus ay nahatulang mamatay, nagsisi siya at isinauli sa mga punong pari at mga pinuno ng bayan ang tatlumpung pirasong pilak. Sinabi niya, “Nagkasala ako! Ipinagkanulo ko ang dugo ng taong wala ni anumang bahid ng kasalanan.” “Ano ang pakialam namin sa iyo? Bahala ka sa buhay mo!” sagot nila. Inihagis ni Judas sa loob ng Templo ang tatlumpung pirasong pilak, at pagkaalis doon, siya'y nagbigti.

Mateo 27:3-5 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Nang malaman ng traydor na si Judas na hinatulan ng kamatayan si Hesus, labis siyang nagsisi sa kanyang ginawa kaya isinauli niya ang tatlumpung pirasong pilak sa mga namamahalang pari at mga pinuno ng mga Hudyo. Sinabi niya sa kanila, “Nagkasala ako dahil pinagkanulo ko ang isang taong walang kasalanan.” Ngunit sumagot sila, “Ano ang pakialam namin diyan? Problema mo na iyan.” Itinapon ni Judas sa Templo ang salapi. Pagkatapos ay umalis siya at nagbigti.

Mateo 27:3-5 TLAB (Ang Biblia)

Nang magkagayo'y si Judas, na nagkanulo sa kaniya, pagkakitang siya'y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda, Na sinasabi, Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan. Datapuwa't kanilang sinabi, Ano sa amin? ikaw ang bahala niyan. At kaniyang ibinulaksak sa santuario ang mga putol na pilak, at umalis; at siya'y yumaon at nagbigti.

Mateo 27:3-5 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Nang makita ni Judas na si Jesus ay nahatulang mamatay, nagsisi siya at isinauli sa mga punong pari at mga pinuno ng bayan ang tatlumpung pirasong pilak. Sinabi niya, “Nagkasala ako! Ipinagkanulo ko ang dugo ng taong wala ni anumang bahid ng kasalanan.” “Ano ang pakialam namin sa iyo? Bahala ka sa buhay mo!” sagot nila. Inihagis ni Judas sa loob ng Templo ang tatlumpung pirasong pilak, at pagkaalis doon, siya'y nagbigti.

Mateo 27:3-5 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))