Mateo 24:9-13
Mateo 24:9-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Sa mga panahong iyon, kapopootan kayong lahat dahil sa inyong pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin, at dahil dito'y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa't isa. Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. Ang kasamaa'y lalaganap, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.
Mateo 24:9-13 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Sa panahong iyon, kamumuhian kayo ng lahat ng mga lahi dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Dadakpin kayo para parusahan at patayin. Marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Kapopootan at ipapahuli nila ang kapwa nila. Lilitaw ang maraming bulaang propeta at marami ang ililigaw nila. Lalaganap ang kasamaan, at dahil dito, manlalamig ang pag-ibig ng marami. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas.
Mateo 24:9-13 Ang Biblia (TLAB)
Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa. At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig. Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.
Mateo 24:9-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Sa mga panahong iyon, kapopootan kayong lahat dahil sa inyong pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin, at dahil dito'y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa't isa. Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. Ang kasamaa'y lalaganap, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.
Mateo 24:9-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)