Mateo 24:27-30
Mateo 24:27-30 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sapagkat darating ang Anak ng Tao na parang kidlat na gumuguhit mula sa silangan hanggang sa kanluran. “Kung saan may bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.” “Pagkatapos ng kapighatian sa mga panahong iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan. Pagkatapos, lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng Tao at mananangis ang lahat ng bansa. Makikita nila ang Anak ng Tao na nasa alapaap at dumarating na may dakilang kapangyarihan at kadakilaan.
Mateo 24:27-30 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sapagkat ang Anak ng Tao ay babalik na tulad ng kidlat na nagliliwanag mula sa silangan hanggang sa kanluran. May kasabihan, ‘Kung saan may bangkay, doon nag-uumpukan ang mga buwitre.’ “Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan, ‘magdidilim ang araw, hindi na magliliwanag ang buwan, at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit. Ang mga kapangyarihan sa kalawakan ay mayayanig.’ “Pagkatapos, makikita sa langit ang tanda ng kanyang pagbabalik, at maghihinagpis ang lahat ng tao sa mundo dahil dito. At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian.
Mateo 24:27-30 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak. Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
Mateo 24:27-30 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sapagkat darating ang Anak ng Tao na parang kidlat na gumuguhit mula sa silangan hanggang sa kanluran. “Kung saan may bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.” “Pagkatapos ng kapighatian sa mga panahong iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan. Pagkatapos, lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng Tao at mananangis ang lahat ng bansa. Makikita nila ang Anak ng Tao na nasa alapaap at dumarating na may dakilang kapangyarihan at kadakilaan.
Mateo 24:27-30 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)