Mateo 21:8-11
Mateo 21:8-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Maraming naglatag ng kanilang balabal sa daan; mayroon namang pumutol ng mga sanga ng kahoy at ito'y inilatag sa daan. Nagsisigawan ang mga taong nauuna at sumusunod sa kanya. Sigaw nila, “Purihin ang anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Diyos!” Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, nagulo ang buong lunsod. “Sino kaya ito?” tanong nila. “Si Jesus, ang propetang taga-Nazaret sa Galilea,” sagot ng karamihan.
Mateo 21:8-11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Maraming tao ang naglatag ng kanilang mga balabal sa daan. Ang iba naman ay pumutol ng mga sanga ng kahoy at inilatag din sa daan. Ang mga tao sa unahan ni Hesus at ang mga nasa hulihan ay sumisigaw, “Purihin ang Anak ni David!” “Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon!” “Papuri sa Diyos sa kaitaasan!” Nang pumasok si Hesus sa Jerusalem, nagkagulo ang buong lungsod, at nagtanungan ang mga tao, “Sino ang taong iyan?” Sumagot ang mga kasama ni Hesus, “Siya ang propetang si Hesus na taga-Nazaret, na sakop ng Galilea.”
Mateo 21:8-11 Ang Biblia (TLAB)
At inilalatag sa daan ng kalakhang bahagi ng karamihan ang kanilang mga damit; at ang mga iba'y nagsiputol ng mga sanga ng mga punong kahoy, at inilalatag sa daan. At ang mga karamihang nangasa unahan niya, at ang nagsisunod, ay nagsisigawan, na nagsisipagsabi, Hosana sa Anak ni David: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon: Hosana sa kataastaasan. At nang pumasok si Jesus sa Jerusalem, ay nagkagulo ang buong bayan, na nagsasabi, Sino kaya ito? At sinabi ng mga karamihan, Ito'y ang propeta, Jesus, na taga Nazaret ng Galilea.
Mateo 21:8-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Maraming naglatag ng kanilang balabal sa daan; mayroon namang pumutol ng mga sanga ng kahoy at ito'y inilatag sa daan. Nagsisigawan ang mga taong nauuna at sumusunod sa kanya. Sigaw nila, “Purihin ang anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Diyos!” Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, nagulo ang buong lunsod. “Sino kaya ito?” tanong nila. “Si Jesus, ang propetang taga-Nazaret sa Galilea,” sagot ng karamihan.
Mateo 21:8-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)