Mateo 21:19 - Compare All Versions
Mateo 21:19 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Nakita niya ang isang puno ng igos sa tabi ng daan at nilapitan iyon. Wala siyang nakitang bunga kundi mga dahon lamang. Kaya't sinabi niya dito, “Hindi ka na mamumunga kailanman!” Agad na natuyo ang puno.
Mateo 21:19 ASD (Ang Salita ng Diyos)
May nakita siyang puno ng igos sa tabi ng daan, kaya nilapitan niya ito. Ngunit wala siyang nakitang bunga kundi puro mga dahon. Kaya sinabi niya sa puno, “Hindi ka na mamumunga kailanman!” At agad na natuyo ang puno.
Mateo 21:19 TLAB (Ang Biblia)
At pagkakita sa isang puno ng igos sa tabi ng daan, ay kaniyang nilapitan, at walang nasumpungang anoman doon, kundi mga dahon lamang; at sinabi niya rito, Mula ngayo'y huwag kang magbunga kailan man. At pagdaka'y natuyo ang puno ng igos.
Mateo 21:19 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nakita niya ang isang puno ng igos sa tabi ng daan at nilapitan iyon. Wala siyang nakitang bunga kundi mga dahon lamang. Kaya't sinabi niya dito, “Hindi ka na mamumunga kailanman!” Agad na natuyo ang puno.
Mateo 21:19 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))