Mateo 21:1-7
Mateo 21:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Malapit na sa Jerusalem nang sila ay dumaan sa Bethfage, sa Bundok ng mga Olibo. Inutusan ni Jesus ang dalawa sa kanyang mga alagad, “Pumunta kayo sa susunod na nayon at makikita ninyo kaagad doon ang isang inahing asno na nakatali, kasama ang kanyang anak. Kalagan ninyo ang mga iyon at dalhin sa akin. Kapag may nagtanong sa inyo, sabihin ninyong kailangan iyon ng aming Panginoon at ipapaubaya niya agad ang mga iyon sa inyo.” Sa gayon, natupad ang sinabi ng propeta: “Sa lunsod ng Zion ay ipahayag ninyo, ‘Tingnan mo, ang hari mo'y dumarating. Siya'y mapagpakumbabá; masdan mo't siya'y nakasakay sa isang asno, at sa isang batang asno na anak ng isang babaing asno.’” Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni Jesus. Dinala nila kay Jesus ang inahing asno at ang anak nito, at isinapin sa likod ng mga ito ang kanilang balabal. Pagkatapos, sumakay dito si Jesus.
Mateo 21:1-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Malapit na sina Hesus sa Jerusalem. Pagdating nila sa nayon ng Betfage na nasa Bundok ng mga Olibo, pinauna ni Hesus ang dalawa sa kanyang alagad at sinabi, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok nʼyo roon, makikita ninyo ang isang asno na nakatali, kasama ang anak nito. Kalagan ninyo ang mga ito at dalhin dito sa akin. Kapag may sumita sa inyo, sabihin ninyong kailangan ng Panginoon, at hahayaan na niya kayo.” Nangyari ito para matupad ang sinabi ng propeta: “Sabihin ninyo sa mga taga-Zion, ‘Makinig kayo! Paparating na ang inyong hari! Mapagpakumbaba siya, at darating na nakasakay sa asno, sa isang bisirong asno.’ ” Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni Hesus. Dinala nila ang asno at ang anak nito kay Hesus. Sinapinan nila ang mga ito ng kanilang mga balabal at sumakay si Hesus.
Mateo 21:1-7 Ang Biblia (TLAB)
At nang malapit na sila sa Jerusalem, at magsidating sa Betfage, sa bundok ng mga Olivo, ay nagsugo nga si Jesus ng dalawang alagad, Na sinasabi sa kanila, Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo, at pagdaka'y masusumpungan ninyo ang isang nakatali na babaing asno, na may kasamang isang batang asno: kalagin ninyo, at dalhin ninyo sa akin. At kung ang sinoman ay magsabi ng anoman sa inyo, ay sasabihin ninyo, Kinakailangan sila ng Panginoon; at pagdaka'y kaniyang ipadadala sila. Nangyari nga ito, upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion: Narito, ang Hari mo'y pumaparito sa iyo, Na maamo, at nakasakay sa isang asno, At sa isang batang asno na anak ng babaing asno. At nagsiparoon ang mga alagad, at ginawa ang ayon sa ipinagutos ni Jesus sa kanila, At kanilang dinala ang babaing asno, at ang batang asno, at inilagay nila sa ibabaw ng mga ito ang kanilang mga damit; at dito siya'y sumakay.
Mateo 21:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Malapit na sa Jerusalem nang sila ay dumaan sa Bethfage, sa Bundok ng mga Olibo. Inutusan ni Jesus ang dalawa sa kanyang mga alagad, “Pumunta kayo sa susunod na nayon at makikita ninyo kaagad doon ang isang inahing asno na nakatali, kasama ang kanyang anak. Kalagan ninyo ang mga iyon at dalhin sa akin. Kapag may nagtanong sa inyo, sabihin ninyong kailangan iyon ng aming Panginoon at ipapaubaya niya agad ang mga iyon sa inyo.” Sa gayon, natupad ang sinabi ng propeta: “Sa lunsod ng Zion ay ipahayag ninyo, ‘Tingnan mo, ang hari mo'y dumarating. Siya'y mapagpakumbabá; masdan mo't siya'y nakasakay sa isang asno, at sa isang batang asno na anak ng isang babaing asno.’” Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni Jesus. Dinala nila kay Jesus ang inahing asno at ang anak nito, at isinapin sa likod ng mga ito ang kanilang balabal. Pagkatapos, sumakay dito si Jesus.
Mateo 21:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)