Mateo 20:5-7
Mateo 20:5-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-aalas dose ng tanghali at nang mag-aalas tres ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-aalas singko na ng hapon, siya'y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit tatayu-tayo lang kayo dito sa buong maghapon?’ ‘Kasi po'y walang magbigay sa amin ng trabaho,’ sagot nila. Kaya't sinabi niya, ‘Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho sa aking ubasan.’
Mateo 20:5-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kaya pumunta ang mga ito sa ubasan. “Muli siyang lumabas bandang tanghali at mga alas tres ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-aalas singko na ng hapon, muli na naman siyang lumabas at nakakita pa ng mga ilan na nakatambay lang. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit maghapon kayong nakatayo diyan at walang ginagawa?’ “Sumagot sila, ‘Dahil wala naman pong nagbigay sa amin ng trabaho.’ “Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta kayo sa ubasan ko at magtrabaho.’
Mateo 20:5-7 Ang Biblia (TLAB)
Lumabas siyang muli nang malapit na ang mga oras na ikaanim at ikasiyam, at gayon din ang ginawa. At lumabas siya nang malapit na ang ikalabingisang oras at nakasumpong siya ng mga iba na nangakatayo; at sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangakatayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa? At sinabi nila sa kaniya, Sapagka't sinoma'y walang umupa sa amin. Sinabi niya sa kanila, Magsiparito din naman kayo sa ubasan.
Mateo 20:5-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-aalas dose ng tanghali at nang mag-aalas tres ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-aalas singko na ng hapon, siya'y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit tatayu-tayo lang kayo dito sa buong maghapon?’ ‘Kasi po'y walang magbigay sa amin ng trabaho,’ sagot nila. Kaya't sinabi niya, ‘Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho sa aking ubasan.’
Mateo 20:5-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)