Mateo 20:20-22
Mateo 20:20-22 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkatapos nito, lumapit kay Hesus ang ina ni Santiago at ni Juan na mga anak ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. Lumuhod siya kay Hesus dahil may gusto siyang hilingin. Tinanong siya ni Hesus, “Ano ang gusto mo?” Sumagot siya, “Kung maaari po sana, kapag naghahari na kayo, paupuin nʼyo ang dalawa kong anak sa tabi nʼyo; isa sa kanan at isa sa kaliwa.” Ngunit sinagot sila ni Hesus, “Hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Kaya ba ninyong inumin ang nasa kopang iinuman ko?” Sumagot sila, “Opo, kaya namin.”
Mateo 20:20-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nang magkagayo'y lumapit sa kaniya ang ina ng mga anak na lalake ni Zebedeo, na kasama ang kaniyang mga anak na lalake na siya'y sinamba, at may hinihinging isang bagay sa kaniya. At sinabi niya sa kaniya, Ano ang ibig mo? Sinabi niya sa kaniya, Ipagutos mo na itong aking dalawang anak ay magsiupo, ang isa sa iyong kanan, at ang isa sa iyong kaliwa, sa iyong kaharian. Nguni't sumagot si Jesus at sinabi, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangyayari bagang inuman ninyo ang sarong malapit nang aking iinuman? Sa kaniya'y sinabi nila, Mangyayari.
Mateo 20:20-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Lumapit kay Jesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang dalawa niyang anak na lalaki. Lumuhod siya sa harapan ni Jesus upang sabihin ang kanyang kahilingan. “Ano ang gusto mo?” tanong ni Jesus. Sumagot siya, “Kapag naghahari na po kayo, paupuin ninyo sa inyong tabi ang dalawa kong anak, isa sa kanan at isa sa kaliwa.” “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,” sabi ni Jesus sa kanila. “Maiinuman ba ninyo ang kopa na malapit ko ng inuman?” “Opo,” tugon nila.

Mateo 20:20-22 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y lumapit sa kaniya ang ina ng mga anak na lalake ni Zebedeo, na kasama ang kaniyang mga anak na lalake na siya'y sinamba, at may hinihinging isang bagay sa kaniya. At sinabi niya sa kaniya, Ano ang ibig mo? Sinabi niya sa kaniya, Ipagutos mo na itong aking dalawang anak ay magsiupo, ang isa sa iyong kanan, at ang isa sa iyong kaliwa, sa iyong kaharian. Nguni't sumagot si Jesus at sinabi, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangyayari bagang inuman ninyo ang sarong malapit nang aking iinuman? Sa kaniya'y sinabi nila, Mangyayari.
Mateo 20:20-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)