Mateo 2:13
Mateo 2:13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkaalis ng mga matatalinong tao, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Bumangon ka't dalhin mo agad sa Egipto ang iyong mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga't hindi ko sinasabi sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin.”
Mateo 2:13 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang makaalis na ang mga pantas, nagpakita ang isang anghel ng Panginoon kay Jose sa panaginip. Sinabi niya, “Bumangon kaʼt dalhin mo ang bata at ang kanyang ina, at tumakas kayo patungong Ehipto. Doon muna kayo hanggaʼt hindi ko sinasabing bumalik kayo, dahil hinahanap ni Herodes ang bata para patayin.”
Mateo 2:13 Ang Biblia (TLAB)
Nang mangakaalis nga sila, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita kay Jose sa panaginip, na nagsasabi, Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina, at tumakas ka hanggang sa Egipto, at dumoon ka hanggang sa sabihin ko sa iyo: sapagka't hahanapin ni Herodes ang sanggol upang siya'y puksain.
Mateo 2:13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pagkaalis ng mga matatalinong tao, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Bumangon ka't dalhin mo agad sa Egipto ang iyong mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga't hindi ko sinasabi sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin.”
Mateo 2:13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)