Mateo 2:12-13
Mateo 2:12-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang sila'y papauwi na, nakatanggap sila ng babala sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya't nag-iba na sila ng daan pauwi. Pagkaalis ng mga matatalinong tao, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Bumangon ka't dalhin mo agad sa Egipto ang iyong mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga't hindi ko sinasabi sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin.”
Mateo 2:12-13 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang pauwi na sila, nag-iba sila ng daan dahil binalaan sila ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes. Nang makaalis na ang mga pantas, nagpakita ang isang anghel ng Panginoon kay Jose sa panaginip. Sinabi niya, “Bumangon kaʼt dalhin mo ang bata at ang kanyang ina, at tumakas kayo patungong Ehipto. Doon muna kayo hanggaʼt hindi ko sinasabing bumalik kayo, dahil hinahanap ni Herodes ang bata para patayin.”
Mateo 2:12-13 Ang Biblia (TLAB)
At palibhasa'y pinagsabihan sila ng Dios sa panaginip na huwag silang mangagbalik kay Herodes, ay nangagsiuwi sila sa kanilang sariling lupain sa ibang daan. Nang mangakaalis nga sila, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita kay Jose sa panaginip, na nagsasabi, Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina, at tumakas ka hanggang sa Egipto, at dumoon ka hanggang sa sabihin ko sa iyo: sapagka't hahanapin ni Herodes ang sanggol upang siya'y puksain.
Mateo 2:12-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang sila'y papauwi na, nakatanggap sila ng babala sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya't nag-iba na sila ng daan pauwi. Pagkaalis ng mga matatalinong tao, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Bumangon ka't dalhin mo agad sa Egipto ang iyong mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga't hindi ko sinasabi sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin.”
Mateo 2:12-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)