Mateo 2:1-2
Mateo 2:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. Nang siya'y isilang, may mga matatalinong taong mula pa sa silangan ang dumating sa Jerusalem. Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang siya'y sambahin.”
Mateo 2:1-2 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkatapos ipanganak si Hesus sa Bethlehem sa lalawigan ng Judea sa kapanahunan ng paghahari ni Herodes, may ilang pantas mula sa Silangan na dumating sa Jerusalem. Nagtanong sila, “Nasaan ang batang ipinanganak na hari ng mga Hudyo? Nakita namin ang kanyang bituin noong lumitaw ito, at naparito kami para sambahin siya.”
Mateo 2:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan, na nagsisipagsabi, Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagka't aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya'y sambahin.
Mateo 2:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. Nang siya'y isilang, may mga matatalinong taong mula pa sa silangan ang dumating sa Jerusalem. Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang siya'y sambahin.”
Mateo 2:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)