Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 19:16-17 - Compare All Versions

Mateo 19:16-17 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

May isa namang lalaking lumapit kay Jesus at nagtanong, “Guro, ano pong kabutihan ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?” Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti. Ngunit kung nais mong magkamit ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga Kautusan ng Diyos.”

Mateo 19:16-17 ASD (Ang Salita ng Diyos)

May isang lalaki naman na lumapit kay Hesus at nagtanong, “Guro, ano po ang mabuti kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus, “Bakit itinatanong mo sa akin kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti, at walang iba kundi ang Diyos. Kung gusto mong magkaroon ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos niya.”

Mateo 19:16-17 TLAB (Ang Biblia)

At narito, lumapit sa kaniya ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan? At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos.

Mateo 19:16-17 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

May isa namang lalaking lumapit kay Jesus at nagtanong, “Guro, ano pong kabutihan ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?” Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti. Ngunit kung nais mong magkamit ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga Kautusan ng Diyos.”

Mateo 19:16-17 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))