Mateo 18:23-25 - Compare All Versions
Mateo 18:23-25 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. Unang dinala sa kanya ang aliping may utang na milyun-milyong piso. Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad.
Mateo 18:23-25 ASD (Ang Salita ng Diyos)
“Sapagkat ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa isang hari na ipinatawag ang kanyang mga alipin para singilin sa kanilang mga utang. Nang simulan na niya ang paniningil, dinala sa kanya ang isang alipin na nagkautang sa kanya ng milyon-milyon. Dahil hindi siya makabayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawaʼt mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, para mabayaran ang kanyang utang.
Mateo 18:23-25 TLAB (Ang Biblia)
Kaya't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang hari, na nagibig na makipagusap sa kaniyang mga alipin. At nang siya'y magpasimulang makipaghusay, ay iniharap sa kaniya ang isa sa kaniya'y may utang na sangpung libong talento. Datapuwa't palibhasa'y wala siyang sukat ibayad, ipinagutos ng kaniyang panginoon na siya'y ipagbili, at ang kaniyang asawa't mga anak, at ang lahat niyang tinatangkilik, at nang makabayad.
Mateo 18:23-25 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. Unang dinala sa kanya ang aliping may utang na milyun-milyong piso. Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad.
Mateo 18:23-25 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))