Mateo 18:1-4
Mateo 18:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang mga sandaling iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa harap nila at sinabi, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.
Mateo 18:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang oras ding iyon, lumapit kay Hesus ang kanyang mga alagad at nagtanong, “Sino po ba ang pinakadakila sa kaharian ng Langit?” Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila, at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbabago at magiging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Langit. Ang sinumang nagpapakababa tulad ng batang ito ang siyang pinakadakila sa kaharian ng Langit.
Mateo 18:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Nang oras na yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nangagsasabi, Sino nga baga ang pinakadakila sa kaharian ng langit? At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila, At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit. Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.
Mateo 18:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang mga sandaling iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa harap nila at sinabi, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.
Mateo 18:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)