Mateo 17:1-3
Mateo 17:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila'y umakyat sa isang mataas na bundok. Habang sila'y naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang kanyang damit. Nakita na lamang ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus.
Mateo 17:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Hesus si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan sa isang mataas na bundok nang sila-sila lang. At habang nakatingin sila kay Hesus, nagbago ang kanyang anyo. Nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at ang damit niyaʼy naging puting-puti na parang liwanag. Biglang nagpakita sa kanila sina Elias at Moises na nakikipag-usap kay Hesus.
Mateo 17:1-3 Ang Biblia (TLAB)
At pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan na kapatid niya, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok: At nagbagong-anyo siya sa harap nila; at nagliwanag ang kaniyang mukha na katulad ng araw, at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga damit. At narito, napakita sa kanila si Moises at si Elias na nakikipagusap sa kaniya.
Mateo 17:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila'y umakyat sa isang mataas na bundok. Habang sila'y naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang kanyang damit. Nakita na lamang ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus.
Mateo 17:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)