Mateo 16:2-4
Mateo 16:2-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Kapag dapit-hapon ay sinasabi ninyo, ‘Magiging maganda ang panahon bukas dahil maaliwalas ang langit.’ At kapag umaga nama'y sinasabi ninyo, ‘Uulan ngayon dahil madilim ang langit.’ Nakakabasa kayo ng palatandaan sa langit, ngunit hindi ninyo mabasa ang mga palatandaan ng kasalukuyang panahon. Lahing masama at taksil sa Diyos! Naghahanap kayo ng palatandaan, ngunit walang ipapakita sa inyo maliban sa himalang nangyari kay Jonas!” Pagkatapos nito, umalis si Jesus.
Mateo 16:2-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Kapag palubog na ang araw at mapula ang langit, sinasabi ninyo, ‘Magiging maayos ang panahon bukas.’ At kapag umaga at makulimlim ang langit, sinasabi ninyo, ‘Uulan ngayon.’ Alam ninyo ang kahulugan ng mga palatandaang nakikita ninyo sa langit, ngunit bakit hindi ninyo alam ang kahulugan ng mga nangyayari ngayon? Kayong henerasyon ng masasama at hindi tapat sa Diyos! Humihingi kayo ng tanda, ngunit walang ipapakita sa inyo maliban sa tandang katulad ng nangyari kay Jonas.” Pagkatapos, umalis si Hesus.
Mateo 16:2-4 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Sa kinahapunan, ay sinasabi ninyo, Bubuti ang panahon: sapagka't ang langit ay mapula. At sa umaga, Ngayo'y uunos: sapagka't mapula at makulimlim ang langit. Kayo'y marurunong magsikilala ng anyo ng langit; datapuwa't hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon. Ang isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda, kundi ng tanda ni Jonas. At sila'y iniwan niya, at yumaon.
Mateo 16:2-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Kapag dapit-hapon ay sinasabi ninyo, ‘Magiging maganda ang panahon bukas dahil maaliwalas ang langit.’ At kapag umaga nama'y sinasabi ninyo, ‘Uulan ngayon dahil madilim ang langit.’ Nakakabasa kayo ng palatandaan sa langit, ngunit hindi ninyo mabasa ang mga palatandaan ng kasalukuyang panahon. Lahing masama at taksil sa Diyos! Naghahanap kayo ng palatandaan, ngunit walang ipapakita sa inyo maliban sa himalang nangyari kay Jonas!” Pagkatapos nito, umalis si Jesus.
Mateo 16:2-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)