Mateo 15:10-12
Mateo 15:10-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Pakinggan ninyo at unawain ang aking sasabihin. Ang lumalabas sa bibig ng tao, hindi ang pumapasok, ang siyang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos.” Pagkatapos, lumapit naman ang mga alagad at sinabi sa kanya, “Hindi po ba ninyo alam na nasaktan ang mga Pariseo sa sinabi ninyo?”
Mateo 15:10-12 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Tinawag ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayo at unawain ang sasabihin ko. Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nagpaparumi sa kanya kundi ang mga lumalabas dito.” Pagkatapos ay lumapit sa kanya ang mga alagad at tinanong siya, “Alam nʼyo po bang nasaktan ang mga Pariseo dahil sa mga sinabi ninyo?”
Mateo 15:10-12 Ang Biblia (TLAB)
At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sa kanila'y sinabi, Pakinggan ninyo, at unawain. Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang nakakahawa sa tao; kundi ang lumalabas sa bibig, ito ang nakakahawa sa tao. Nang magkagayo'y nagsilapit ang mga alagad, at sa kaniya'y sinabi, Nalalaman mo bagang nangagdamdam ang mga Fariseo, pagkarinig nila ng pananalitang ito?
Mateo 15:10-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Pakinggan ninyo at unawain ang aking sasabihin. Ang lumalabas sa bibig ng tao, hindi ang pumapasok, ang siyang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos.” Pagkatapos, lumapit naman ang mga alagad at sinabi sa kanya, “Hindi po ba ninyo alam na nasaktan ang mga Pariseo sa sinabi ninyo?”
Mateo 15:10-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)